Dating PNP Chief Gen Camilo Cascolan, itinalaga sa Office of the President
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si retired Gen Camilo Cascolan bilang Undersecretary sa Office of the President.
Ito’y makaraan ang ilang buwan pa lamang na pagreretiro ni Cascolan sa puwesto.
Sa ulat, si Cascolan ay itinalaga bilang Chief PNP noong September 20, 2020 at nagretiro noon ding November 2020.
Si Cascolan ay pang-apat na Chief PNP sa ilalim ng Duterte Administration at miyembro ng PMA Class 1986.
Sinasabing, isa rin si Usec Cascolan sa mga nag- draft ng PNP Oplan Double Barrel na ang target ay mga malalaking isda sa illegal drug industry ganundin ang Oplan Tokhang. (Daris Jose)
-
Ads December 30, 2023
-
PNP sinuspinde ang ‘BMI policy’ sa pagdidyeta bilang requirement sa promotion ng mga pulis
Inaprubahan na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang rekomendasyon ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na suspindihin ang requirement ng Body Mass Index (BMI) para sa promotion ng mga pulis. “I already approved it,” mensahe na ipinadala ni PNP chief Eleazar. Sa memorandum na inilabas ni M/Gen. Rolando […]
-
Super Health Center sa Navotas City
BILANG bahagi ng pagdiriwang sa ika-118 anibersaryo ng Navotas, nagsagawa ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, katuwang ang tanggapan ni Senator Bong Go, ng groundbreaking sa itatayong Super Health Center sa Brgy. NBBS Kaunlaran. Kabilang sa mga serbisyong kayang ipagkaloob ng Super Health Center ang outpatient care, pre-natal at birthing care, […]