• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Santiago tinitimbangin pa ang susunod na lalaruan

HINDI tatalikuran ni Pilipina volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang patuloy na paglalaro sa ibayong dagat sakaling hindi pa rin makabalik ang women’s indoor volleyball event ng Philippine SuperLiga (PSL) sa taong ito.

 

 

Nakakatlong taon na sa Japan V. League sa Ageo Medics Volleyball Team, ipinahayag ng 25-year-old, 6-foot-5 former PH national player, na katatapos lang ng liga sa Land of the Rising Sun kung saan pumanlima ang kanyang koponan.

 

 

Idinagdag pa kahapon ni Santiago, na pag-aaralan pa niya ang kanyang mga susunod na hakbang kung sa ‘Pinas na magpapatuloy nang pagpalo o sa ibayong dapat pa rin.

 

 

Pinanapos ng dalaga, na nagpapadala rin ang agent niya ng kanyang kredensiyal sa iba pang mga liga sa iba’t ibang ng mundo na katulad sa China, Italy at Turkey, kaya may posibilidad din mula sa Japan ay lumipat siya ng ibang liga sa Europe o Asia pa rin. (REC)

Other News
  • Binata laglag sa selda sa baril sa Valenzuela

    BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.   Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/Gen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na […]

  • RPMD survey sa Quezon City, Belmonte pa rin

    TOP CHOICE pa rin sa Quezon City si Mayor Josefina “Joy” Belmonte sa pinakahuling ‘poll survey’ na isinagawa noong Abril 17-21, 2022 ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa National Capital Region (NCR).     Tinaguriang “Boses ng Bayan: NCR 2022” survey, nakapagtala pa rin si Mayor Belmonte ng 65 percent ng botante ay […]

  • Pasahe sa rail lines di tataas; Pamimigay ng fuel subsidy may problema

    BINIGYAN diin ng Department of Transportation (DOTr) na walang mangyayaring pagtaas ng pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Lines 1 & 2 (LRT 1 & 2) at Philippine National Railways (PNR).       Ito ang binigay na kasiguraduhan ni undersecretary for railways Timothy Batan sa nakaraang Lagang Handa media […]