• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PARKE SA MAYNILA, PLANONG BUKSAN SA LAHAT NG EDAD

PABOR ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang suhestiyon ng Department of Tourism (DOT) na buksan ang parke sa Maynila sa lahat ng edad, isang beses sa isang linggo para sa “Family Day”.

 

 

Sa naging panayam ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso , sinabi ng alkalde na suportado nito ang domestic tourism lalo sa panahon ngayon.

 

 

“Of course, we want to support [domestic] tourism, lalo na ngayon. At least kahit papaano may madudulot na negosyo at trabaho ‘yan. If there is an open space, an alternative for the people to go to, we’ll support it,”pahayag ni Domagoso.

 

 

Una nang binuksan angmga pasyalan sa  Intramuros tulad ng Fort Santiago, Casa Manila Museum, at Baluarte de San Diego noong  February 17, sa mga bisita na may edad 15 hanggang 65 taong gulang.

 

 

Gayunman, plano na rin ni DOT chief Bernadette Romulo-Puyat na buksan na ang mga parke  sa lahat ng edad o ang “no age restriction policy” .

 

 

Paliwanag ng kalihim, mungkahi nito ang kahit na isang araw na exemptiom para sa pamilya kabilang ang senior citizens .

 

 

“Kasi ang turismo ay para sa pamilya, hindi lang for mga 15 to 65 years old,” saad ng kalihim.

 

 

“Let me take this opportunity na hikayatin ang ating mga kababayan na pumasyal kayo sa Intramuros. Kapag napasyal ka sa Intramuros noon kabahan ka, ngayon mas maaliwalas na. Malapit na rin mabuksan ang Metropolitan Theater sa April,” ayon naman sa alkalde.

 

 

Sinabi ng alkalde na suportado niya ang naturang hakbangin  upang unti-unti nang mabuksan ang pampublikong espasyo dahil makakatulong ito upang palakasin ang ekonomiya ng lungsod.  (GENE ADSUARA )

Other News
  • Buong NCR, mananatili sa Alert Level 1

    MANANATILI sa Alert Level 1 ang buong National Capital Region (NCR) mula Abril 1 hanggang 15, 2022.     Inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Marso 31, 2022, ang Abril 1 hanggang 15, 2022 Alert Level Classification sa mga lalawigan, highly urbanized cities (HUCs), at independent component cities (ICCs).   […]

  • JOHN LLOYD, nilinaw na matagal na silang magkaibigan ni KATRINA, wish ng fans na magka-serye sila ni BEA sa GMA

    NILINAW na ni John Lloyd Cruz, na friends lamang sila ni Kapuso actress Katrina Halili.     Matagal na raw silang magkaibigan and in fact, dahil may real estate investments si Katrina sa El Nido Palawan, malamang na ang actress ang tumulong kay Lloydie, para makabili siya ng property doon.     Still on John […]

  • MAMAMAYAN, HINIMOK NA MAKIISA SA CATHOLIC E-FORUM

    HINIMOK ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mamamayan lalo na ang mga botante na makiisa sa isinagawang voters education ng simbahan na One Godly Vote na Catholic E-Forum.     Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee for Public Affairs,  layunin ng talakayan na bigyang kaalaman ang publiko […]