• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, pinalawig ang school year hanggang Hulyo 10, 2021

Pinalawig ng Department of Education ang school year para sa basic education level sa Hulyo 10.

 

 

Sa isang kautusan, sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na natukoy ng kagawaran ang mga learning gaps sa mga estudyante matapos ang patuloy nilang pag-monitor sa implementasyon ng distance learning.

 

 

Maliban dito, bibigyan din ng karagdagang instructional time ang mga guro para sa iba’t ibang learning delivery modalities.

 

 

“These learning gaps are attributable to reduced academic opportunities at home and substantial loss of live contact with teachers,” wika ni Briones.

 

 

Sang-ayon sa kautusan, inurong ng DepEd ang third grading period sa Mayo 15 mula sa Marso 22, habang ang fourth quarter ay sa Hulyo 10 mula sa Mayo 17.

 

 

Nagtapos noong Pebrero 27 ang second quarter.

 

 

Orihinal namang itinakda ang pagtatapos ng school year sa Hunyo 11.

 

 

Mula Marso 1 hanggang 12, magsasagawa ang mga paaralan ng intervention at remediation activities para sa mga mag-aaral.

 

 

Sa Marso 15 hanggang 19 naman, dadalo sa isang professional development program na inorganisa ng mga eskwelahan o iba pang mga kaukulang units ng DepEd ang mga guro.

 

 

Saklaw sa bagong polisiya ang lahat ng mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa buong bansa.

 

 

Samantala, ang mga pribadong eskwelahan, technical and vocational institutions, at higher education institutions na nag-aalok ng basic education ay hinihikayat lamang na ipatupad ang guidelines ng ahensya.

 

 

Hindi naman tiyak sa ngayon kung paiiklin ng bagong polisiya ang summer break ng mga estudyante. (Daris Jose)

Other News
  • Marcos-Biden meeting sa APEC Summit, malabo

    MALABO nang magkaroon ng pagpupulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  at   US President Joe Biden  sa  sidelines ng 2023 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.     “No plans on this trip,”  ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez  sa isang panayam.     Inamin ni Romualdez  na may request mula sa tanggapan ni  […]

  • Panaga idinagdag na ng Creamline Cool Smashers

    MAKARAANG kumawala sa Petro Gazz Angels via free agency, pinapirma ng Creamline Cool Smashers nitong Martes ang kalibre ni veteran player Jeanette Panaga bilang paghahanda sa Premier Volleyball League (PVL) sa Abril.   Araw ng Linggo nang kumawala mula sa Petro Gazz Angel ang 25-year-old, six-footer  middle blocker kasama ang apat na iba pa mga […]

  • Publiko binalaan kontra Powerstar malware

    NAKAGAWIAN na ang device linking para sa mga gustong mapadali at mapabilis ang kanilang araw-araw na digital activities.     Gayunman, lumabas ang banta ng Powerstar Backdoor Malware na ine-exploit ang teknolohiyang ito. Mga PC (personal computer) operating system ang target ng malware na ito at ini-infect ang linked mobile phones at tables para ma-phish […]