ValTrace magagamit na rin sa Mandaluyong
- Published on March 4, 2021
- by @peoplesbalita
Magagamit na rin sa lungsod ng Mandaluyong ang ValTrace contact tracing QR codes ng Valenzuela City na naglalayong matukoy ang mga indibiduwal na posibleng positibo sa virus ng COVID-19 kung saan nauna na rin itong konektado sa Pasig at Antipolo.
Nabatid na nakapirma na sa Contact Tracing Network Consortium Agreement ang ValTrace ng Valenzuela City, PasigPass ng Pasig City, Bantay COVID-19 ng Antipolo City at Manda Track ng Mandaluyong City.
Hindi na kailangang mag-download ng hiwalay na QR code para sa apat na lungsod dahil ang mga QR code na nakarehistro at ginagamit sa isang lungsod ay maaaring magamit sa naturang mga lungsod na kasama sa kasunduan.
Sinimulang ipatupad ng Valenzuela noong Oktubre 05, 2020, ang ValTrace QR code na napatunayang mahusay at mabisang paraan ng pagtingin sa mga COVID-19 exposures at mga contact ng isang pasyente.
Kailangan mayroon ang lahat ng mga mamamayan ng sariling ValTrace QR codes at para sa mga negosyo na i-scan ang mga QR code ng lahat ng mga pumapasok sa establishimento.
Ginagamit na rin ng Valenzuela ang ValTrace QR codes para sa kanilang VCVax COVID-19 Vaccination registration.
Ang Valenzuela ValTrace ay isinama sa PasigPass ng Pasig City noong Disyembre 07, 2020 at sa Antipolo City’s Bantay COVID-19 na epektibo noong Enero 10, 2021 habang nakakonekta ito sa MandaTrack ng Mandaluyong nitong Marso 1.
Inaasahan ng mga lokal na punong ehekutibo ng mga lungsod na mas marami pang local government units ang sasali sa digital contract tracing solution sa pamamagitan ng paggamit ng QR codes. (Richard Mesa)
-
Pinay skater Pertichetto sasabak sa kumpetisyon sa Sweden
Napiling maging representative ng bansa sa 2021 World Figure Skating Championship si Filipino skater Alisson Pertichetto. Ito mismo ang kinumpirm ang Philippine Skating Union sa torneo na gaganapin sa Marso 22 sa Stockholm, Sweden. Ayon sa grupo na mayroong kakaibang lakas at galing ng isang babae si Pertichetto. Nakuha […]
-
Casimero overweight sa laban kontra Sanchez
SABLAY na naman si dating world champion John Riel Casimero na overweight sa super bantamweight fight nito kontra kay American boxer Saul Sanchez na gaganapin sa Yokohama Budokan sa Japan ngayong araw. Sa official weigh-in kahapon, tumimbang si Casimero ng 56.33kg o 124.12lbs — mas mabigat sa orihinal na weight limit na 55.3kg […]
-
Hipon Girl, ire-repackage ni Wilbert para gawing ‘beauty queen’
BUKOD kay Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz, pasok na rin si Herlene ‘Hipon Girl’ Budol sa lumalaking pamilya ng businessman/vlogger/internet personality na si KaFreshness Wilbert Tolentino. Pumirma na si Hipon Girl, kaya si Wilbert na ang kanyang official business manager, following the footsteps of the popular online seller and PBB housemate Madam Inutz […]