• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga bagong botante, nasa 1.1 milyon na

UMABOT na sa 1.1 milyon ang mga bagong botante na nagparehistro, siyam na araw bago ang pagtatapos ng voter’s re­gistration ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

 

 

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naitala ang naturang datos simula Disyembre 12, 2022, kung kailan sinimulan ang voter registration.

 

 

Sa naturang bilang, tinatayang nasa 7,000 voter registration applications ang naiproseso sa ilalim ng kanilang Register Anywhere Project (RAP), habang ang iba pa ang nagpatala naman sa ilalim ng regular na rehistruhan.

 

 

May inisyal na target ang Comelec na 1.5 mil­yon na magpaparehistro at madaragdag sa kabuuang bilang ng mga botante.

 

 

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ni Garcia ang publiko na samantalahin ang mga natitira pang araw ng voter registration upang makapagparehistro at makaboto sa nalalapit na eleksiyon.

 

 

Ang regular na voter registration ay nakatakdang magtapos sa Enero 31 habang ang RAP naman ay sa Enero 25, 2023. (Daris Jose)

Other News
  • Commuters hinikayat sumama sa kilos protesta vs PUV modernization

    HINIMOK ng tranport group na Manibela ang mga pasahero na makiisa sa isinagawa nilang kilos protesta laban franchise consolidation sa ilalim ng PUV modenization program dahil makakaapekto umano ito sa libu-libong mananakay ng jeepney sa darating na Enero.     Ito ay kapag nagpatuloy ang itinakdang deadline sa konsolidasyon sa darating na Dec. 31.   […]

  • Dahil first time na sumakay ng motor: JILLIAN, iningatan at inalalayan nang husto ni RURU

    MAY exciting na crossover ang character ni Jillian Ward na si Doc Analyn Santos ng ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ sa Kapuso actionserye na Black Rider.     For the first time daw ay sasakay ng motorsiklo si Jillian.     “Nakakakaba po kasi ngayon lang ako sumakay ng motor pero siyempre andito naman po ang ating napakagaling […]

  • Taguig City, Zele Wellness Center lalahok sa WNBL

    DIDRIBOL na rin ang Taguig City at ang Zele Wellness Center para sa 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 na nakatakdang ihayag sa mga susunod na araw  ang petsa sa pagsisimula ngayong taon makaraan ang negosasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF).     Kinumpirma ng dalawang ballclub ang partisipasyon sa unang propesyonal na ligang […]