Aabangan ng netizens kung sino ang tinutukoy sa tweet: POKWANG, may reresbakan na matandang walang pinagkatandaan
- Published on May 13, 2022
- by @peoplesbalita
NAGKAROON ng online mediacon para sa Argentinian movie na “Pasional” kunsaan ay pinagbibidahan ito ng Kapuso actress na si Andrea Torres.
Humarap via zoom si Andrea kasama ang cast at production ng movie since katatapos lang nilang mag-shooting sa ilang beaches sa Pilipinas tulad ng Palawan .
Sabi nga namin kay Andrea, halatang kuhang-kuha ng charm niya ang loob ng mga Argentinian na nakasama niya sa movie.
Siya rin daw kasi, magaganda ang naging memories niya.
“They made sure na kumportabe ako roon, nae-enjoy ko ang lugar nila. Plinano nila lahat at ang gaganda ng naging memories ko from Argentina.
“Kaya naman noong sila na ang pumunta rito, may pressure rin for me. Siyempre, gusto ko rin makita nila ang ganda ng country natin, makapaglibot sila and happy naman ako kasi, talagang tuwang-tuwa sila lalo na sa mga beach natin. First time rin nilang nakakita ng gano’ng kulay ng tubig na blue na blue.”
At posible raw na mas maunang ipalabas sa Pilipinas ang movie kesa sa Argentina.
“I think, mas mauuna po siyang ipalabas dito sa atin. Tina-target po nila ang November, pero siyempre, depende rin po sa post production at gusto rin po nila na mawala muna po ang COVID and medyo mag-back to normal muna po ang lahat.”
Bilang kilalang sexy actress, mukhang hindi rin naman bibiguin ni Andrea ang manonood ng first International movie niya at mukhang daring pa rin siya rito.
Lalo na nga raw sa mga beach location nila.
***
SPECIAL mention si Jolina Magdangal sa ginawang Facebook Live ni Vice President Leni Robredo.
Nag-live ito para ipakita ang napakaraming regalong natanggap sa buong duration ng campaign period.
Nang makita niya ang isang pink headband na regalo sa kanya at talaga namang kikay na kikay, naalaga ni VP Leni si Jolina.
Sabi niya, “Pwede ko ba itong ibigay kay Jolina?” Obviously, since kilala na ni VP na mahilig si Jolina sa mga kikay stuff at signature rin niya ang mga headbands.
Humingi muna ng permiso si VP Leni sa nagbigay at yun nga, kung pwede raw niyang ibigay kay Jolens. Sumunod nito, nagpasalamat na si VP Leni kina Jolina at asawa nitong si Mark Escueta.
Talagang na-appreciate ni VP Leni ang todong pagsuporta sa kanya ng mag-asawa. Sinabi nia na walang mga campaign rally na tinatanggihan para mag-volunteer. Pinuri rin niya ang dalawang anak ng mga ito na sina Pele at Vika na kahit walang yaya, napaka-behave raw ng mga ito.
Pinangakuan din niya na dadalawin ang dalawa, pagka-uwi siguro sa graduation ng bunsong anak na si Jillian Robredo sa New York.
***
HINDI binanggit ni Pokwang sa kanyang tweet kung sino ang pinatatamaan nito na tila reresbakan daw niyang matandang walang pinagkatandaan.
Nasa bakasyon kasi ito ngayon. Mukhang nag-recharge at kumalma muna pagkatapos ng mga kaganapan sa kampanya at election.
So tuloy, may mga nag-aabang kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang tweet. Obviously, may koneksiyon pa rin sa mga naging ganap sa election at sa resulta nito ang pinanggagalingan ng tweet niya or nag-trigger sa kanya.
Sabi lang ni Pokwang, “nasa bakasyon lang ako e wait lang pagbalik ko talak ka saking matandang walang pinagkatandaan!!! scammer!!!
(ROSE GARCIA)
-
Trillanes, nagsampa ng plunder complaint laban kay Ex-PRRD at Sen. Bong Go
TULUYAN nang naghain ng reklamong plunder si dating Senator Antonio Trillanes IV sa DOJ laban kay dating President Rodrigo Duterte at Senator Bong Go kaninang hapon. Ang reklamong ito ay may kinalaman sa mga proyekto ng nakalipas na administrasyon. “All the elements of plunder are clearly present in this […]
-
Hands on canvassing training para sa 2022 Presidential at VP elections sa Kamara
BILANG paghahanda, nagsagawa ng hands on training sa canvassing ng boto para sa presidential at vice presidential candidates ng May 9, 2022 national elections sa kamara. Ang hands-on training/demonstration ay isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC). Sinabi ni House Information and Communications Technology Service (ICTS) Director II Julius Gorospe na ang […]
-
PCO Sec. Chavez, inatasan ni ES Bersamin na maghanap na ng iuupong bagong PTFOMS
SINABI ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez na inatasan na siya ni Executive Secretary Lucas Bersamin na maghanap ng magiging kapalit ni dating presidential task force on media security o PTFOMS executive director Paul Gutierrez sa lalong madaling panahon. Sa isang ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Chavez, kung siya ang tatanungin, gusto […]