• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos, hinikayat ang mga employers at manggagawa na magpabakuna na laban sa Covid-19

HINIKAYAT ni Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos ang lahat ng mga employers at mga manggagawa na magpabakuna na laban sa COVID-19 lalo pa’t marami ng tao ng pinapayagang bumalik ng kanilang trabaho.

 

Sa Laging Handa public briefing, binigyang diin ni Abalos ang kahalagahan na masiguro na ang lahat ng mga empleyado ay protektado na laban sa Covid-19 sa gitna ng unti-unting pagpapaluwag sa restrictions.

 

“Ako’y nananawagan sa employer, sa ating mga kababayan, na sana magpabakuna tayo. Iba na rin ‘yung protektado ka at bakunado ka. Lumuluwang tayo pero…we need to be responsible here,” ayon kay Abalos.

 

Aniya, tinatayang nasa 4 milyong residente na ang nakatanggap ng kanilang bakuna laban sa COVID-19, kabilang na ang mahigit sa 3 milyong katao na nakatanggap ng kanilang first dose at mahigit sa isang milyon naman ang nakatanggap ng kanilang second dose.

 

“The average vaccination being done in the region per day is around 114,000,” ayon kay Abalos.

 

Ang National Capital Region (NCR) ay mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine hanggang Hulyo 15, na inaprubaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Nangangahulugan ito na tanging ang mga non-contact sports ang pinapayagan.

 

Ang lottery at horse racing with off-track betting stations ay pansamantalang pinpayagan.

 

Ang mga gyms at fitness centers ay pinapayagan na mag-operate ng 40% habang ang indoor sports courts ay maaaring magbukas ng 50% capacity.

 

Ang mga indoor tourist attractions, lalo na ang historical situated museums “defined by DOT” ay pinapayagan ng 40%.

 

Ang meetings,conferences at exhibitions ay pinapayagan din na mag-operate ng 40% capacity subalit gagamitin lamang ito para sa social events, limitado naman ito sa 10% capacity.

 

Para naman sa mga personal care services, 50% capacity ang pinapayagan para sa serbisyo subalit kailangan na nakasuot pa rin ng face mask. Kapag ang establisimyento ay mayroong Safety Seal, maaari itong mag-operate ng karagdagang 10% capacity.

 

Ang outdoor tourist attractions ay pinapayagan sa 50% capacity subalit’t with strict compliance to minimum public health protocols.”

 

Ang staycation hotels ay pinapayagan na mag-operate ng hanggang 100% venue capacity habang ang iba pang DOT-accredited establishments ay maaaring mag-operate ng 30% capacity.

 

Wala namang age restrictions para sa mga nasabing establisimyento hangga’t na susunod ang public health standards.

 

Ang Indoor dining ay pinapayagan para sa 40% capacity habang ang outdoor dining ay pinapayagan ng 50%. (Daris Jose)

Other News
  • Miss India HARNAAZ KAUR SANDHU, kinoronahang Miss Universe 2021; BEATRICE, nakapsok sa Top 5

    NAGING matagumpay ang 70th edition ng prestigious international pageant na Miss Universe na ginanap sa Eilat, Israel, madaling araw ng December 12, 2021 (umaga ng December 13 sa Pilipinas).     Si Harnaaz Kaur Sandhu ng India ang kinoronahang Miss Universe 2021. Siya ang ikatlong nakapag-uwi ng titulo mula sa India.     Pinaka-una si […]

  • PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi

    PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng 40 smart TV, 287 wall fan, at 287 ceiling fan na ibinigay ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas  sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at high school sa nasabing lungsod para magamit ng mga guro at mga estudyante. (Richard Mesa) 

  • Angel, nagpaka-fan girl at starstruck pa rin sa Megastar: JOSEPH, hindi pa rin makapaniwalang naka-eksena na si SHARON

    SA Instagram post ni Joseph Marco, wala nga siyang mapaglagyan ng kaligayahan sa pambihirang pagkakataon na maka-eksena niya si Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano.     Kasama ang larawan nilang dalawa na kuha sa madramang eksena, nilagyan niya ito ng caption na na, “A chance of a lifetime. I’m MEGA grateful for this […]