Abalos kay Azurin, CCTV footage “speaks for itself”
- Published on April 19, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Interior Secretary Benhur Abalos na ang CCTV footage ay “speaks for itself” sa di umano’y cover-up attempt o pagtatangka umanong itago ang serye ng mga operasyon na ikinasa noong Oktubre 2022 lalo na ang nakulimbat na P6.7 bilyong halaga ng shabu ng ilang pulis.
Ang pahayag na ito ni Abalos ay tugon sa depensa ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na walang nangyaring cover-up na nangyari sa operasyon.
“In law, there is the principle of res ipsa loquitur. The thing speaks for itself. The video in itself is a statement of what transpired,” ang pahayag na ito sa statement.
“While I respect General Azurin, I am sure he agrees with me that the public deserves to know the truth. Hindi lamang sa isyu ng 42 kilos kundi higit sa lahat sa kung ano ang nangyari sa 900 kilos na nakumpiska,” dagdag na wika nito.
Nagpahayag naman ng tiwala si Abalos sa National Police Commission (Napolcom), kung saan siya ang tumatayong chairman na masusing iimbestigahan ang insidente base sa mandato nito.
Nauna nang nanawagan si Abalos sa 10 pulis na mag-leave muna upang bigyang-daan ang imbestigasyon sa pagtatangka umanong itago ang serye ng mga operasyon na ikinasa noong Oktubre na nakakulimbat ng P6.7 bilyong halaga ng shabu.
Agad naman na nagkasa ng imbestigasyon si Abalos na pinangunahan ng National Police Commission kaugnay sa illegal drug case ni ngayon ay dismissed Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. na sangkot sa 990 kilo ng nakumpiskang shabu.
Aniya, binuo ang fact-finding panel ng Napolcom dahil sa mabagal na imbestigasyon ng pulisya sa kaso ni Mayo.
Ayon kay Abalos, lumabas sa imbestigasyon ng Napolcom na “there is indeed a massive attempt to cover-up the arrest of Mayo.”
Samantala, ipinresenta pa ni Abalos sa media ang CCTV footage, na nagpapakita na nakaposas si Mayo at pagkatapos ay kinalagan ito.
Makikita rin sa video ang pagdating at pag-alis ng mga police officials sa lugar ng establisimyento kung saan nandoon si Mayo.
Sinabi ni Abalos na makikita sa imbestigasyon ng Napolcom na “there is indeed a massive attempt to cover-up the arrest of Mayo.” (Daris Jose)
-
Kelot huli sa akto sa pampasabog sa Valenzuela
BINITBIT sa selda ang isang tambay matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng granada sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ni PSMS Roberto Santillan ang naarestong suspek na si Marlon Dela Cruz, 29 at residente ng Doque St., Brgy., Malanday ng lungsod. Sa report nina PSSg Julius Congson at PCpl Raquel […]
-
Ads March 5, 2021
-
Paglipat ni LOVI sa ABS-CBN, malaking factor ang gagawing serye with PIOLO
ILAN sa lumalabas na balita kung bakit daw lumipat ng ABS-CBN si Lovi Poe mula sa GMA-7, nandiyang hindi na ito ni-renew ng Kapuso network. Meron din na hindi raw ito pumayag dahil mas mababa ang offer sa renewal of contract niya, kumpara sa nakaraan. Pero ano man ang dahilan, siguro […]