• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos, pinangalanan ang 4 na miyembro ng 5-man committee na magrerepaso sa PNP resignations

ISINIWALAT ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang apat na miyembro ng five-man committee na magrerepaso sa courtesy resignations ng  Philippine National Police (PNP) senior officials.

 

 

Ang  apat na miyembro  ay sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., dating Defense chief Gilbert Teodoro, at Undersecretary Isagani Neres mula sa Office of the Presidential Adviser on Military Affairs.

 

 

Ang huling miyembro ng five-man committee ay nakiusap na huwag muna siyang pangalanan.

 

 

Nauna nang nanawagan si Abalos sa lahat ng police colonels at generals na magsumite ng courtesy resignation.

 

 

Layon nitong malinis ang Philippine National Police laban sa drug syndicates at “Ninja Cops.

 

 

Aniya, nagkasundo na diumano sila ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. hinggil sa kanyang apela.

 

 

Mayroon ding binuo na komite na may limang miyembro na siyang sasala sa resignation letter ng mga police colonels at generals.

 

 

Nagdesisyon si Abalos na hingin ang courtesy resignations ng mga senior officer sa PNP dahil sa aniya’y malala na “impeksyon sa organisasyon.”

 

 

Samantala, rerepasuhin din ng National Police Commission ang mga pangalan ng police officers kung saan tinanggap na ang pagbibitiw sa tungkulin.

 

 

Ang mga kinauukulang opisyal  ay binigyan ng hanggang Enero 31 para maghain ng kanilang resignation letter. (Daris Jose)

Other News
  • PH, China balik- ‘negotiating table’ para sa nabiting proyekto

    BALIK -negotiating table ang China  at Pilipinas para sa pagpopondo ng ilang  infrastructure projects matapos isiwalat ni Transport Undersecretary for Railways Cesar Chavez na “withdrawn” na ang mga ito dahil sa kawalan ng aksyon ng Beijing ukol sa pagpopondo na hiniling ng nakalipas na administrasyon.     Kaagad namang nagbigay ng paglilinaw ang  Chinese Embassy […]

  • 9 ANYOS DINALIRI

    SWAK sa kulungan ang isang 30-anyos na lalaki matapos na magreklamo ang isang 9 anyos menor de edad na kanyang dinaliri sa likod ng isang truck,kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila.   Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 na inamiyendahan bilang RA 8353 ang suspek na si Israel Barrera , ng 799 Fabia St.,Tondo dahil […]

  • Debris ng missing Cessna plane sa Bicol natagpuan sa Mt. Mayon

    NAKITA na malapit sa crater ng Bulkang Mayon ang posibleng bahagi ng Cessna 340 plane na nawala kamakalawa sa Albay.     Ayon kay Mayor Carlos Irwin Baldo, Jr. ang debris ng eroplano ay nakuhanan sa pamamagitan ng digital single-lens reflex (DSLR) camera ng isang volunteer dakong alas-10:30 ng umaga sa gilid ng bulkan sa […]