Abalos, target na paghusayin ang kakayahan ng PNP pagdating sa anti-cybercrime
- Published on July 13, 2022
- by @peoplesbalita
TARGET ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na paghusayin ang anti-cybercrime capacity ng Philippine National Police (PNP).
Sa kanyang naging talumpati sa isinagawang flag ceremony sa PNP, ipinahayag ni Abalos ang kanyang saloobin at alalahanin ukol sa tumataas na cybercrime, kabilang na ang cyberpornography, simula ng magsimula ang COVID-19 pandemic noong 2020.
“Alam ko ito ay bagong phenomena sa atin kaya please just inform me anong equipment ang kailangan ninyo,” ayon kay Abalos.
“Kung kinakailangan mag-seminar o mag-aral po o kumuha pa ng technical people sa cybercrime, please do so inform us the soonest,” dagdag na pahayag nito.
Ang payo rin ni Abalos ay turuan ang publiko ukol sa cybercrime.
Samantala, tiniyak naman ni Abalos sa mga PNP personnel na mabibigyan ang mga ito ng legal support kapag naharap sa asunto mula sa mga sindikato na naniniwalang hinahadlangan ng mga awtoridad ang kanilang ilegal na aktibidad.
Sinabi ni Abalos na bubuo siya ng isang team at mangangalap ng pondo para mapangasiwaan ang mga legal issues kung saan masasangkot ang mga tapat na police personnel. (Daris Jose)
-
Israel, nasa Alert Level 2 na
INILAGAY na ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 2 sa Israel sa gitna ng nagpapatuloy na giyera doon. Ito ang inihayag ni DFA Usec. Eduardo de Vega. Sa ilalim ng Alert Level 2 o Restricted Phase, bawal na ang pagpapadala ng mga bagong manggagawa duon. Pero ayon kay de […]
-
Nag-file na sila ng complaint sa isang whisky brand: BOY2, nag-warning sa gumagamit ng photo ng lolo na si DOLPHY
NAGLABAS ng warning si Boy2 Quizon sa isang local whisky brand na ginagamit ang photo ng kanyang lolo na si Dolphy Quizon para mabenta ang naturang produkto sa social media. Sa pamamagitan ng Instagram Stories, nilinaw ni Boy2 na walang ine-endorse na anumang produkto ang kanilang pamilya na gamit pa ang imahe ng […]
-
Transport group naguguluhan sa P9 fare discount
NAGBIGAY ng pahayag ang isang transport group tungkol sa ipapatupad na fare discount ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan sinabi na hindi lahat ng fare discount ay ipapatupad sa lahat ng ruta. Binatikos ni Manibela president Mar Valbuena ang memorandum na nilabas ng Department of Transportation (DOTr) matapos ipahayag […]