Abalos, wala pang naisusumiteng ‘short list’ ng mga posibleng maging susunod na hepe ng PNP kay PBBM
- Published on February 8, 2024
- by @peoplesbalita
INAMIN ni Department of Interior And Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na wala pa siyang naisusumiteng ‘short list’ ng posibleng maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y sa gitna ng nakatakda ng pagreretiro ni PNP Chief Dir Gen Benjamin Acorda sa March 31.
Sa press briefing sa Malakanyang, todo puri si Abalos kay Acorda na aniyay maraming nagawa sa PNP dahil sa malawak na karanasan nito.
Sa katunayan, sa naging paglalarawan ni Abalos sa naging trabaho ni Acorda sa PNP, “excellent job” na maging sa mga hinaharap na panahon ay mararamdaman ang mga nagawa nito sa kapulisan.
Samantala, sa darating na Disyembre 4, 2023 ang dapat sana’y retirement ni Acorda ngunit pinalawig pa ito ni Pangulong Marcos ng hanggang March 31 ngayong taon. (Daris Jose)
-
2 pasaway sa ordinansa sa Caloocan, dinampot sa boga
SA halip na multa lang dahil sa paglabag sa ordinansa, sa selda ang bagsak ng dalawang lalaki matapos silang arestuhin ng pulisya dahil sa ilegal na pagdadala ng baril sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, unang nasita ng mga tauhan ng Police Sub-Station 11 […]
-
Pacquiao ‘welcome’ na presidential bet sa 1Sambayan
Posibleng maging presidential candidate sa 2022 elections ng 1Sambayan si Sen. Manny Pacquiao. Sinabi ni Fr. Albert Alejo, isa sa convenors ng coalition na kung mayroong mga kaibigan si Pacquiao na magno-nominate sa 1Sambayan ay welcome ito. Kung may mag-nominate man sa senador ay tatanungin siya kung handa siya na sumailalim […]
-
Ads June 27, 2022