ABOITIZ GROUP, nagpahayag ng suporta sa infrastructure agenda ng administrasyong Marcos
- Published on February 8, 2024
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang private holding company na Aboitiz Group sa infrastructure agenda ng administrasyong Marcos partikular na sa “energy at water solutions development.”
“We’ve had our past and we still have our future and we look forward to align ourselves whole heartedly with President Marcos Jr.’s agenda on infrastructure. We started in Visayas already where we made significant strides in the energy sector and now we start focusing in developing sustainable water solutions,” ayon kay Aboitiz Group president at CEO Sabin Aboitiz, sa isinagawang inagurasyon ng Davao City Bulk Water Supply Project.
“We bring our expertise and experience in surface water projects, which we believe is key to sustainable water future for all of us Filipinos. The success that we celebrate today is an example for our entire nation,” aniya pa rin.
Winika pa ni Aboitiz na ang Davao water project ay ang uri ng public-private partnership (PPP) projects na kailangan sa lahat ng lalawigan sa bansa, dahil makagagawa ito ng mahalagang kontribusyon sa agenda ng national government na i-improve ang water supply sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng paghanay sa mga prayoridad na binalangkas ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA).
“Wednesday’s event is not just an inauguration of a project, it is a launching of a model for future endeavors,” ayon kay Aboitiz.
“It is also a demonstration of how much can be achieved by unsolicited private partnerships, he noted, underscoring an essential truth that when structured correctly, unsolicited proposals would greatly benefit both the public and the private interests,” aniya pa rin sabay sabing “At the same time, it could also offer the government a wide range of menus to choose from.”
Tinuran pa ni Aboitiz, na na kapag-develop ang kompanya ng bond sa lungsod, na bumabalik sa incorporation ng Davao Light and Power Co., kanilang kauna-unahang electric company.
Nakipagtulungan na rin ito sa lokal na pamahalaan para magtatag ng Davao 911 hotline system, magtayo ng power plant, at maglaan ng electric powered buses sa mga empleyado ng gobyerno. (Daris Jose)
-
PSC, umapela na sa kongreso at senado sa pagkokonsidera ng COMELEC sa mga SEA GAMES athletes sa local absentee voting
Umaasa ang Philippine Sports Commission na magagawan pa ng paraan ng Commission on Elections upang makaboto ang mga atleta at coaches na makikilahok sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam. Nauna nang nagpatupad at nag-abiso ang COMELEC sa PSC na ang mga national athletes na lalahok sa SEA Games sa May […]
-
Ads January 27, 2021
-
Lalaki timbog sa shabu at panghoholdap sa nene
ARESTADO ang isang lalaki matapos makuhanan ng shabu at panghoholdap sa isang batang babae sa Valenzuela city, kamakalawa. Nahaharap sa patung-patong na kaso ang naarestong suspek na nakilalang si Enrique Beranio Jr, 29, ng Bagbaguin, Caloocan city. Sa nakarating na ulat sa bagong hepe ng Valenzuela City Police na si P/Col. Fernando Ortega, […]