Abra at iba pang lugar na tinamaan ng lindol tuloy ang pagbubukas klase sa Aug. 22
- Published on August 8, 2022
- by @peoplesbalita
NADAGDAGAN pa umano ang bilang mga apektadong eskwelahan sa lalawigan ng Abra at mga kalapit na lugar matapos na tumama ang 7.0 magnitude na lindol.
Iniulat ni Atty. Michael Poa, DepEd spokesperson, na nasa 456 schools na ang naitalang merong infrastructure damage.
Dahil dito bilang alternatibo, sisimulan na rin ang pagpapatayo muna ng mga temporary spaces sa susunod na linggo bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase sa Agosto 22.
Kabilang pa umano sa binabalak din ng DepEd ay mag-deploy ng alternative delivery modes, habang doon sa may internet access ay ‘yong mga self learning modules o blended learning ang maaaring gawin ng mga bata.
Kaugnay nito, muling inulit ng tagapagsalita ng DepEd na tuloy na tuloy ang opening ng klase sa Northern Luzon sa kabila ng may ilang mga lugar ang apektado ng lindol pati na rin ang mga paaralan na naapektuhan ng bagyong Odette at noon pa na bagyong Agaton.
Ang iba aniya sa mga ito ay maaaring mabigyan mula sila ng modules na pwede nilang gawin sa mga aralin. (Daris Jose)
-
Comelec tutok sa eleksiyon sa Bangsamoro
NAKATUTOK ngayon ang Commission on Elections (Comelec) sa pagsasagawa ng Eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Simula ngayong araw Nov.4 hanggang Nov 9, isasagawa ang pagtanggal ng Certificate of Candidacy ng mga aspirante para sa unang parliamentary elections. Kasabay ng paninindigan ng Komisyon na ituloy ang aktibidad para sa […]
-
Nagpasalamat sa mga patuloy na nagdarasal: KRIS, nag-post ng Christmas message at nag-update sa health niya
KINATUWA tiyak ng mga nagmamahal kay Kris Aquino ang muling pagbabalik ni Kris sa social media. Tiyempo pa namang Pasko nang mag-post muli si Kris sa kanyang IG account, isang buwan mula noong huli siyang naging aktibo sa kanyang IG account. Update na may kinalaman sa post niya a month ago […]
-
Nag-react nang ikumpara kay Ruffa: POKWANG, ‘di matatahimik hanggang nasa ‘Pinas pa si LEE
HINDI pa rin matatahimik ang Kapuso aktres na si Pokwang hanggang nasa Pilipinas pa ang ama ng anak niya na si Lee O’Brian. Kahit na may desisyon na at inatasan na ng korte na lisanin na ni Lee Ang Pilipinas, still nasa bansa pa rin ang foreigner. Kaya nga ganun na lang ang galit […]