• March 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abril 1, Eid’l Fitr idineklarang holiday

IDINEKLARA ng Malakanyang ang Abril 1, 2025 bilang regular holiday sa buong bansa.

Sa nilagdaang Proclamation No. 839 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idineklara ang Abril 1 bilang paggunita sa o Feast of Ramadan.

Ang proklamasyon ay base na rin sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos na idineklarang national holiday ang nasabing petsa.

Ayon kay Marcos, kailangang ideklara ang Abril 1 bilang isang regular holiday sa pagsasabing “to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness”.

Ang pagdiriwang aniya ay magbibigay daan din sa mga Pilipino na makiisa sa mga kapatid na muslim sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Other News
  • Isa sa ‘Best Dressed Male’ sa GMA Thanksgiving Gala: ALDEN, labis ang pasasalamat sa lahat ng nag-donate ng dugo para lolo na may sakit

    LABIS ang pasasalamat ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards sa lahat ng mga donors ng Type O blood para sa may sakit niyang grandfather, si Lolo Danny.      “On behalf of our dad and our family, we thank all of those who generously donated blood.  We have enough units for now.  And to those […]

  • Forced Evacuation , ipinag-utos sa mga ‘unreachable areas’ sa gitna ng Marce- DND Chief Teodoro

    IPINAG-UTOS sa Local government units (LGUs) ang pagpapatupad ng forced evacuation sa mga indibiduwal na naninirahan sa mga lugar na hindi maabot ng paghahanda para sa epekto ng Typhoon Marce.     “Ang mga municipal mayors at disaster risk reduction officers ay nire-require ng [Department of the Interior and Local Government]: Number one, na mag-forced […]

  • PBBM, sesertipikahan bilang ‘urgent’ ang rice tariffication law

    SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes na sesertipikahan niya bilang ‘urgent’ ang panukalang amyendahan ang Republic Act No. 11203 o ang rice tariffication law (RTL) para mas maibaba ang presyo ng bigas sa bansa.     “Yes, I think it justifies the urgent certification,” ang pahayag ng Pangulo sa isang media […]