• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ABS-CBN bias, Cayetano kalma lang sa franchise renewal

Inakusahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano na bias ang ABS-CBN kaya dinidinig sa Kongreso ang kanilang franchise renewal na mapapaso na sa Marso 2020.

 

“Walang doubt na institusyon ang ABS-CBN. Walang doubt na napakalaki ng naitulong sa ating bansa. Pero wala ring doubt na may mga issues, kaya nga sinabing ABias-CBN,” ayon kay Cayetano.

 

Paliwanag pa ni Cayetano, hindi umano nila prayoridad ang franchise renewal ng ABS-CBN lalo’t may mas mahalaga pang mga bill na dapat pag-usapan.

 

Ayon pa, kung magsimula na ang pag-usisa sa ABS-CBN franchise renewal ay magpo-pokus ang mga kongresista sa nasabing bill dahil nais nilang makapagbigay ng opinyon ukol dito.

 

“Kung gusto kong mag-grandstand, papatawag ako ng hearing agad…Pero is it the right timing? Tayo ba lahat nasa right frame ng mind ngayon o may mainit ng ulo pa?”

 

“Hindi [ito] ganoon ka-urgent. Bakit? Kasi hanggang March 2022, pwedeng mag-operate,” saad nito.

 

Paliwanag ni Senate President Vicente Sotto III at Rep. Tonypet Albano na kahit mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN sa March 2020, ay pwede pa silang mag-operate hanggang 2022 sa pagtatapos ng 18th Congress hanggang may bill para sa kanilang renewal.

Other News
  • Provincial bus operators maghahain ng petisyon para sa fare increase

    MAGHAHAIN  ng petisyon ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) para sa pagtataas ng pamasahe ngayon linggo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).       Ayon kay PBOAP executive director Alex Yague na ang mga operators ay hindi na nakakayanan ang mga tumataas ng presyo ng produktong petrolyo na kanilang […]

  • Ads July 2, 2020

  • Pacquiao tipo ni Garcia

    MALABO nang makakaakyat ng ruwedang parisukat sa taong ito dahil sa pandemiya si reigning World Boxing Association (WBA) super featherweight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.   Pero may isang boksingero ang atat na makaupakan siya sa katauhan ni former four-division world champion Miguel Angel Garcia Cortez, na mas kilalang Mikey Garcia ng USA (40-1-0).   “Actually, […]