• June 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ABS-CBN nagbayad ng P71.5-B buwis sa loob ng 17 taon – exec

Aabot  ng ilang bilyong piso na buwis ang ibinayad ng ABS-CBN sa pamahalaan sa loob ng 17 taon, ayon sa isang opisyal ng kompanya.

 

Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni ABS-CBN Group chief financial officer Ricardo Tan na mula 2003 hanggang 2019, aabot ng P71.5 billion ang buwis na ibinayad ng kompanya sa pamahalaan.

 

Dahil dito nagbabala si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate sa epekto ng pagpapasara sa ABS-CBN pagdating sa ekonomiya ng bansa.

 

“Sa panahon ngayon na grabe po ang krisis na dinadaanan natin, na pinalala pa ng pandemya ng COVID, ito yung bilyon na pwede mawala rin in the next 10 or 25 years, na supposedly na papasok sa ating pambansang ekonomiya,” ani Zarate.

 

Samantala, nanindigan naman si BIR commissioner Manuel Mapoy na regular na nagbabayad ng kanilang corporate taxes ang ABS-CBN.

 

Sa katunayan, sa pagitan ng 2016 hanggang 2019 ay aabot ng P15 billion ang buwis na ibinayad ng kompanya sa pamahalaan. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Firefly’, big winner sa ‘Manila International Film Festival: DINGDONG at PIOLO, tie sa Best Actor at si VILMA pa rin ang Best Actress

    BIG winner ang ‘Firefly’ sa kauna-unahang Manila International Film Awards na ginanap noong Sabado, Feb. 3 (oras sa Pilipinas).     Ang 10 pelikulang Pilipino ay umeksena sa Hollywood, idinaos ang MIFF mula Enero 29 hanggang Pebrero 2 sa TCL Chinese Theaters sa Los Angeles, USA.     Ang ‘Firefly’ ang nagwagi ng Best Screenplay […]

  • PBBM, balik-Pinas matapos ang “very successful” na ASEAN summit

    BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.   mula sa Cambodia  matapos dumalo sa matagumpay na 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits.     Si Pangulong Marcos, kasama ang ilang  Cabinet members at iba pang delegado ay lumapag sa Pasay City, dakong alas-12:14 ng umaga, araw ng Lunes, Nobyembre 14.     […]

  • NAVOTAS TINANGGAP ANG 145 BAGONG ATHLETIC SCHOLARS

    NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng scholarship sa may 145 Navoteño elementary at high school students na mahuhusay sa sports.         Kabilang sa mga bagong scholars ang 38 Navotas Division Palaro champions sa athletics, 24 sa swimming, 21 sa taekwondo, 18 sa arnis, at 16 sa badminton.         […]