Abueva, Banchero palitan patas – Victolero, Robinson
- Published on February 20, 2021
- by @peoplesbalita
PASOK si Calvin Abueva sa small-ball rotation ng Magnolia Hotshots, may back-ap na si Matthew Wright sa Phoenix Super LPG sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa parating na Abril 9.
Pasado sa pro league trade committee ang swap kamakalawa na naghatid sa The Beast sa Pambansang Manok buhat sa Fuel Masters kapalit ni Chris Banchero. Nagpalitan din ng picks sa 36 PBA Draft 2021 sa Marso 14 ang magkabilang kampo.
Dinakma ng panluto ang No. 6 pick ng manok, No. 10 selection na ang manok na isinama rin sa package ang No. 18 pick nila.
Kapwa tinawag nina coaches Ercito ‘Chito’ Victolero ng manok at Christopher ‘Topex’ Robinson na parehong panalo sa isa’t isang kani-kanilang kampo. Parehas anila ang palitan.
“Very excited ako kasi he can play multiple positions and ‘yung posisyon na kulang, 3, 4, big man na p’wede kong gawing small, ‘yun ang ma-a-add ni Calvin,” hirit na reaksiyon kahapon Victolero. “I think he can play the 2, 3, 4 positions.”
Maaari nang mag-iba-iba ng diskarte ang Hotshots.
“So magiging versatile team ko,” dugtong ng Magnolia coach. “We can play small, we can play big.”
Sa ensayo pa lang mataas na ang enerhiya ni Abueva, lalo na pagdating sa laro. Binawasan ng Pambansang Manok ang backcourt, natira na lang sina Paul John Lee, Mark Andy Barroca, Jiovanni ‘Jio’ Jalalon at Justin Melton.
Reunion ang kaganapan para kina Abueva at Ian Sangalang, kasama si Ronald Pascual na kilalang Pinatubo Trio ng San Sebastian Stags nang manalasa sa nakalipas na dekada sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Mga taga-Pampanga ang tatlo, sabay-sabay ring nag-pro noong 2012 pero hanggang 2018 lang si Pascual. (REC)
-
Jesus; John 13:34
Love one another.
-
Nag-comment sa IG post ni Joey tungkol kay BBM: TONI, nabuking tuloy ng netizens ang pagiging ‘stalker’
ANG Love You Stranger na magsisimula ng mapanood sa primetime sa Lunes, June 6 ang full-length serye ng real-life sweethearts na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia at matagal din hinintay na matuloy ito kaya mas special daw sa kanila. Bukod pa rito, first rin ni Khalil as Kapuso. “Lahat naman […]
-
NCR at 6 na lugar, mananatili sa ilalim ng GCQ
MANANATILI sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City at Lanao del Sur. Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang taped message para sa bagong quarantine classification para sa Nobyembre 1 hanggang 30. Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga […]