• December 1, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abueva, Banchero palitan patas – Victolero, Robinson

PASOK si Calvin Abueva sa small-ball rotation ng Magnolia Hotshots, may back-ap na si Matthew Wright sa Phoenix Super LPG sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa parating na Abril 9.

 

 

Pasado sa pro league trade committee ang swap kamakalawa na naghatid sa The Beast sa Pambansang Manok buhat sa Fuel Masters kapalit ni Chris Banchero. Nagpalitan din ng picks sa 36 PBA Draft 2021 sa Marso 14 ang magkabilang kampo.

 

 

Dinakma ng panluto ang No. 6 pick ng manok, No. 10 selection na ang manok na isinama rin sa package ang No. 18 pick nila.

 

 

Kapwa tinawag nina coaches Ercito ‘Chito’ Victolero ng manok at Christopher ‘Topex’ Robinson na parehong panalo sa isa’t isang kani-kanilang kampo. Parehas anila ang palitan.

 

 

“Very excited ako kasi he can play multiple positions and ‘yung posisyon na kulang, 3, 4, big man na p’wede kong gawing small, ‘yun ang ma-a-add ni Calvin,” hirit na reaksiyon kahapon  Victolero. “I think he can play the 2, 3, 4 positions.”

 

 

Maaari nang mag-iba-iba ng diskarte ang Hotshots.

 

 

“So magiging versatile team ko,” dugtong ng Magnolia coach. “We can play small, we can play big.”

 

 

Sa ensayo pa lang  mataas na ang enerhiya ni Abueva, lalo na pagdating sa laro. Binawasan ng Pambansang Manok ang  backcourt, natira na lang sina Paul John Lee, Mark Andy Barroca, Jiovanni ‘Jio’ Jalalon at Justin Melton.

 

 

Reunion ang kaganapan para kina Abueva at Ian Sangalang, kasama si Ronald Pascual na kilalang Pinatubo Trio ng San Sebastian Stags nang manalasa sa nakalipas na dekada sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

 

 

Mga taga-Pampanga ang tatlo, sabay-sabay ring nag-pro noong 2012 pero hanggang 2018 lang si Pascual. (REC)

Other News
  • Mga tanggapan ng CHR, sarado hanggang Enero 21 dahil sa banta ng COVID-19

    INANUNSYO ng Commission on Human Rights (CHR) ang pansamantalang pagsasara ng kanilang mga tanggapan sa Quezon City upang bigyang-daan ang contact tracing sa hanay ng mga personnel at indibidwal na nagkaroon ng transaksyon sa tanggapan kasunod ng tumataas na COVID-19 infections.     Sa ipinalabas na CHR advisory, araw ng Sabado, sinabi ng CHR na […]

  • Kaabang-abang ang kanilang pagsasanib-puwersa: ARJO, makakasama sina JOHN at JUDY ANN sa spin-off ng ‘Bagman’

    NAKATAKDANG i-launch ng ABS-CBN ang tentpole co-production ng ‘The Bagman’ sa Asia TV Forum & Market (ATF) sa Singapore, kasama ang bida ng serye na si Cong. Arjo Atayde, na dadalo rin sa naturang event.   Sisimulan ang produksyon nito sa Enero 2024, ang eight-part action drama series na kung muling gagampan Arjo ang karakter […]

  • UMAWAT SA NAGHURAMENTADO, SEKYU PINAGSASAKSAK

    ISANG 33-anyos na security guard ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagsasaksakin ng egg vendor na kanyang inawat habang nagwawala at naghahanap ng away  sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.   Si Joselito Lazaro ng Damata, Brgy. Tonsuya, Malabon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo […]