Abueva out pa rin sa PBA, misis nagngitngit sa galit sa socmed
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI pa rin makababalik sa hardcourt si Calvin ‘The Beast’ Abueva ng Phoenix Pulse para sa 45th Philipine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 na papailanlang sa darating na Marso 8.
Ayon kay PBA Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, may mga dapat pang tapusing gawin ang basketbolista para tuluyang ma-lift ang kanyang suspension sa pro league.
“Nag-uusap kami. May pinag-uusapan pa kami. May pinapagawa pa ako,” dagdag ng opisyal ng propesyonal na liga.
Pinag-ensayo pa lang ng liga si Abueva para sa Fuel Masters simula pa noong Setyembre, ngunit pinagbabawalan pa sa mga tune-up game.
“Kapag naayos agad ‘yun at okay na, ie-elevate ko sa board kung ano ang recommendation ko,” panapos saad ni Marcial.
Multang P70,000 at ban sapul noong Hunyo si Calvin nang i-clothesline si TNT import Terrence Jones sa Commissioner’s Cup at pambabastos sa dyowa ni Bobby Ray Parks, Jr. ng Talk ‘N Text na si Maika Reyes.
Samantala, sumabog naman ang ngitngit sa social media ng asawa ni Abueva, na si Salome Alejandra ‘Sam’ Abueva dahil sa hindi pa rin pagpayag ng PBA na makabalik ang kanyang mister sa paglalaro para sa Phoenix Pulse sa pagbubukas ng ika-45 edisyon ng liga.
“Para sa lahat! Sana makarating sayo kung sino man ikaw? Kayo? Gusto ko lang sana malaman kung ano po ba ang basehan kung bakit hangang ngayon hindi pa rin nakalalaro ang asawa ko,” himutok ni Sam sa kanyang Instagram. “Hindi pa ba sapat ang siyam na buwan para sa parusa na binigay ninyo? Hindi pa ba sapat na lahat naapektuhan dahil sa pangyayari na ito? ‘Di pa ba sapat na pati limang anak namin naapektuhan sa pangyayari na ito? ‘Di pa ba sapat na pati pamilya ng asawa ko sa Pampanga nagsasakripisyo para rito?” (REC)
-
Rematch kay Inoue asahan na mas ‘brutal pa’ sa 1st fight – Donaire
NGAYON pa lamang pinaghahanda na rin ni WBC bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang mga boxing fans dahil sa tiyak daw na umaatikabong bakbakan ang magaganap sa rematch nila ng Japanese superstar na si Naoya Inoue sa darating na Martes, Hunyo 7 Si Inoue ang may hawak ng dalawang korona sa […]
-
K-Pop Group RED VELVET, BINI, LADY PIPAY, at BGYO bibida sa advocacy concert na ‘Be You! The World Will Adjust’
HANDA na ang lahat para sa espesyal na advocacy concert na hangarin ang i-promote ang mental health awareness para sa mga taong may special needs na pinamagatang Be You! The World Will Adjust (An Extraordinary Celebration For People With Special Needs) sa Hulyo 22 (Biyernes, 7:00 p.m.) sa SM Mall Of Asia Arena at ito ay inisyatibo […]
-
OVP, dinepensahan ang confidential expenses, good governance fund
DINEPENSAHAN ng Office of the Vice-President (OVP) ang confidential expenses at good governance funds sa ilalim ng 2023 budget proposal. Sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Reynold Munsayac na ang P2.2-billion good governance fund ay inilaan para sa public assistance, gaya ng basic social services, medical at burial assistance, “Libreng […]