Accreditation ng City Garden Grand Hotel sinuspinde ng DOT
- Published on January 16, 2021
- by @peoplesbalita
Sinuspinde ng Department of Tourism (DOT) ang accreditation ng City Garden Grand Hotel sa loob ng anim na buwan.
Napatunayan kasing iligal na tumatanggap ng mga guests ang naturang hotel para sa leisure activities, kahit pa isa itong quarantine facility sa kasalukuyan.
Binawi rin ng DOT ang certificate of authority to operate ng hotel at pinatawan ito ng P10,000 multa, pero binibigyan naman ng karapatan na umapela sa mga penalties na ito.
Magugunita na sa City Garden Grand Hotel umupa ng kwarto ang flight attendant na si Christine Dacera at mga kaibigan nito para sa kanilang New Year’s Eve party.
Sa cr ng kwartong 2209 ng hotel natagpuan ng kanyang mga kaibigan si Dacera na wala nang buhay noong umaga ng Enero 1, 2021.
Samantala, pinapaalalahanan naman ng DOT ang mga accomodation establishments na mayroong certificate to operate bilang quarantine facility na bawal silang tumanggap ng guests para sa leisure activities.
Iyon namang mga hotels na may certificates to operate para sa leisure activities ay hindi pinapahintulutan na magsilbi bilang quarantine facilities. (ARA ROMERO)
-
Booster shots sa healthcare workers sa Quezon City, lumarga na
Umarangkada na rin ang pagbibigay ng booster shots ng Quezon City government sa mga healthcare workers kahapon. May inisyal na 5,000 healthcare workers at non-medical personnel sa health facilities ang bibigyan ng booster shots mula kahapon hanggang sa Biyernes sa ibat- ibang vaccination sites sa Rosa Susano Elementary School, Pinyahan Elementary School at […]
-
Dream house nila ni Dingdong, pinakita na for the first time.. MARIAN, naiiyak pa rin ‘pag napag-uusapan ang pagkakaroon ng isang buong pamilya
SA unang pagkakataon sa telebisyon, ipinakita na ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang bagong gawang bahay sa Makati sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’. Kahit nagpasilip, masasabing na-maintain pa rin ang privacy ng bahay dahil halos ‘yung naipo-post lang din nila sa social media nila ang ipinakita. Pero tiyak na maaaliw ang mga […]
-
ARTA tinutulak ang pagaalis ng TPL insurance ng mga sasakyan
Ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ay sinusulong ang pagaalis ng third party liability (TPL) insurance na isang requirement sa pagrerehisto ng sasakyan para sa mga mayron nang comprehensive automotive insurance policy. Isang recommendation ang pinahatid ni ARTA director general Jeremiah Belgica sa Land Transportation Office (LTO) kung saan niya sinabi na ang requirement […]