• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aces, Bolts, Hotshots, NLEX magsisibalikwas

BABAWI sa unang mga pagsemplang ang apat na koponan sa pang-apat na araw ngayon ng 45 th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 elimination round bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.

 

Magbabanatan sa tampok na giyera sa alas-6:45 nang gabi ang Magnolia Chicken Hotshots (0-1) at North Luzon Expressway o NLEX (0-1), habang magkukrus ng landas sa panghimagas na sultada sa alas-4:00 nang hapon ang Manila Electric Company o Meralco (0-1) at Alaska Milk (0-1).

 

Napulutan ang Pambansang Manokng defending champion San Miguel Beer sa unang pagbubukas ng propesyonal na liga noong Marso 8 sa Araneta Coliseum sa Quezon City, 94-78, bago nagka- lockdown dahil sa Covid-19 upang matengga ang all-Pinoy conference ng pitong buwan.

 

Nasagasaan ang Road War- riors ng Barangay Ginebra San Miguel nitong Linggo sa muling pagsisimula ng torneo sa AUFSACC, 102-92.

 

Napanis ang Aces laban sa Talk ‘N Text, 100-95, nito ring Oktubre 1 1, samantalang napundi ang Bolts sa Phoenix Super LPG, 116-98.

 

Inaasahang kakahig sa mga manok ni coach Ercito (Chito) Victolero sina Paul John Dalistan Lee, Ian Paul Sangalang at Jackson Corpus na mga nagtubog ng 19 at tig-16 points kontra Beermen. (REC)

Other News
  • Simula Pebrero 1 maliliit na alagang hayop, pwede nang isakay sa LRT-2

    INANUNSIYO   ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na simula sa Pebrero 1 ay magiging pet-friendly na ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) dahil maaari nang isakay ng mga fur parents ang kanilang maliliit na alagang hayop sa kanilang mga tren.     “Beginning Feb. 1, pwede nang magdala at magsakay ng ating mga pets […]

  • Pangulong Duterte, hinikayat ang simbahan na suspendihin ang Traslacion 2022, misa

    HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suspensyon ng mass gatherings, kabilang na ang tradisyonal na Traslacion at misa para sa Itim na Nazareno, dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 infections sa bansa.     “Itong procession na ito, it’s a very important event for the Roman Catholic Church. Now, I have […]

  • Speaker Romualdez tiwala na maiangat ang NAIA bilang “world-class” standards

    NANINIWALA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang paglagda sa P170.6 billion Public Private Partnership concession agreement ay lalong magpapa-angat sa antas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maging isang “world-class” standard na paliparan. Sinabi ni Speaker Romualdez malaking pakinabang sa ekonomiya ng bansa kapag mapapabuti ang mga pasilidad sa loob ng paliparan, magpapalakas […]