• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aces, Bolts, Hotshots, NLEX magsisibalikwas

BABAWI sa unang mga pagsemplang ang apat na koponan sa pang-apat na araw ngayon ng 45 th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 elimination round bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.

 

Magbabanatan sa tampok na giyera sa alas-6:45 nang gabi ang Magnolia Chicken Hotshots (0-1) at North Luzon Expressway o NLEX (0-1), habang magkukrus ng landas sa panghimagas na sultada sa alas-4:00 nang hapon ang Manila Electric Company o Meralco (0-1) at Alaska Milk (0-1).

 

Napulutan ang Pambansang Manokng defending champion San Miguel Beer sa unang pagbubukas ng propesyonal na liga noong Marso 8 sa Araneta Coliseum sa Quezon City, 94-78, bago nagka- lockdown dahil sa Covid-19 upang matengga ang all-Pinoy conference ng pitong buwan.

 

Nasagasaan ang Road War- riors ng Barangay Ginebra San Miguel nitong Linggo sa muling pagsisimula ng torneo sa AUFSACC, 102-92.

 

Napanis ang Aces laban sa Talk ‘N Text, 100-95, nito ring Oktubre 1 1, samantalang napundi ang Bolts sa Phoenix Super LPG, 116-98.

 

Inaasahang kakahig sa mga manok ni coach Ercito (Chito) Victolero sina Paul John Dalistan Lee, Ian Paul Sangalang at Jackson Corpus na mga nagtubog ng 19 at tig-16 points kontra Beermen. (REC)

Other News
  • Magkikita na lang sila sa korte: CRISTY, nagbigay na ng pahayag sa kasong isinampa ni BEA

    KAHAPON nang tanghali, ika-3 ng Mayo, sinagot na ni Nanay Cristy Fermin sa kanyang programang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM, ang isinampang reklamo sa kanila ni Bea Alonzo na cyber libel.     Wala pa raw siyang natatanggap na subpoena kaya hindi niya alam kung ano ang nilalaman […]

  • PDu30, malabong ma-impeach -Sec. Roque

    MALABONG ma-impeach si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mapatalsik sa kanyang posisyon dahil lamang sa kanyang polisiya sa West Philippine Sea (WPS).   Pinalagan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang alegasyon ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na ang Pangulo ay nakagawa ng “betrayal of public trust and national interest” dahil sa kanyang posisyon […]

  • Kooperatiba, lumilikha ng yaman sa pamayanan

    NANATILI ang kooperatiba na mabisang paraan upang makaahon sa kahirapan ang mga mahihirap na miyembro.     Ito ang mensahe ni Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas, Minister ng Ministry of Cooperatives and Social Enterprise Development ng Archdiocese of Manila o M-C-S-E-D at chairman ng Union of Catholic Church-Based Cooperatives (UCC) sa […]