Action-drama series ni COCO, mapapanood na sa 41 countries sa Africa
- Published on July 1, 2021
- by @peoplesbalita
IBANG klase rin naman talaga ang widely-followed series na FPJ’s Ang Probinsyano.
Starting this July 1 ay mapapanood na ang action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin sa 41 countries sa Africa.
So ibig sabihin malayo pa talaga ang tatakbuhin ng FPJAP dahil sa bagong development as far as the series is concerned.
Big deal itong airing ng FPJAP sa Africa dahil maraming madadagdag na bagong viewers sa Coco Martin led series na ito.
You don’t get aired in 41 countries in Africa kung pipitsugin show ka. For sure, naging interested ang Africa sa series dahil sa phenomenal success ng FPJAP sa Pilipinas.
Five years na ito sa ere and it is still growing strong. Stars have come and gone sa series in the last five years pero nanatili pa rin itong paborito ng audience all over.
At kahit pa nawalan ng prangkisa ang Kapamilya Network, patuloy pa rin naman napapanood ang programa via Facebook, iWant and other platforms.
Patuloy na gumaganda at lalong nagiging exciting ang every episode ng FPJAP. Tapos tila magkakaroon pa ng love angle between Jane de Leon and Coco sa kwento.
Kaya huwag kalilimutan manood ng FPJAP every night.
***
HAPPY kami for our friend na si Shandii Bacolod who is staging a directorial comeback via a BL series titled Love at the End of World.
Bida sa series na ito si Rex Lantano who first worked with Shandii sa What Home Feels Like (which starred Bembol Roco) tapos naulit sa Culion. Both films were line-produced by Shandii.
Excited si Rex sa BL series dahil maganda ang role as Sam, ang lead actor ng series.
“Ang ganda ng script. This is my biggest break ever kaya I am very challenged and I am preparing hard. Siyempre I want to give my best and prove na tama ang desisyon nila na ipagkatiwala sa akin ang role,” pahayag ni Rex sa aming phone interview. Kasama rin sa series sina Nicco Fowler at Gold Azeron.
Katatapos lang ni Rex mag-taping ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan best friend na naman muli ang kanyang role.
Kelan kaya namin mapapanood si Rex na magbida sa isang episode ng MMK? Sana soon.
(RICKY CALDERON)
-
Sa pagpirma ng 9-picture sa Viva Films: ANNE, pangarap na makatrabaho ni Direk PHIL sa isang horror film
PUMIRMA ng 9-picture sa Viva si Phil Giordano, ang director ng Vivamax movie na “Pabuya” na pinagbibidahan ni Diego Loyzaga. Sa isang chikahan over lunch with Direk Phil, nalaman namin na bata pa lang siya ay gusto na niyang maging director. Dahil he’s an only child, inaaliw niya ang kanyang sarili by writing out stories […]
-
Brodkaster na si Mon Tulfo arestado sa Maynila dahil sa cyber libel
DINAKIP ng mga otoridad ng Manila Police District (MPD) ang kolumnista at brodkaster na si Ramon Tulfo — kapatid ni presumptive senator Raffy Tulfo — dahil sa reklamong cyber libel. Bandang 10:05 a.m., Miyerkules, nang hainan ng warrant of arrest si Tulfo sa loob ng quadrangle ng Manila City Hall ng mga kawani […]
-
Kaya iba ang atake bilang Monique: BARBIE, aminadong ‘di kayang pantayan ang pagganap ni SHARON
AMINADO si Barbie Forteza na hindi niya mapapantayan ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pagganap nito sa pelikulang “Maging Sino Ka Man,” na kanilang gagawin sa telebisyon ni David Licauco. Ayon pa kay Barbie ay iba ang kaniyang magiging atake bilang si Monique, na iba sa ginawa ni Sharon sa pelikula. “Hindi […]