Active COVID-19 cases sa bansa, maaaring pumalo sa 525,000
- Published on August 7, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na maaaring pumalo sa 525,000 ang active COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Setyembre kung hindi inilagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) mula Agosto 6 hanggang 20.
Ang babala ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ilagay sa ilalim ng ECQ, strictest quarantine classification ang Kalakhang Maynila, sa pangatlong pagkakataon simula noong Marso 2020.
“The projections we have is that we will have active 525,000 COVID-19 cases by end of September if we keep our current quarantine classifications. We cannot let that happen because we do not have enough hospitals,” ayon kay Sec. Roque.
“Kaya po tayo magla-lockdown para hindi mamatay ang ating mga kababayan. Mahirap, magastos, pero ito po ay kinakailangan para maprotektahan ang ating mga kababayan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Idineklara ang ECQ sa NCR sa gitna ng banta ng mas nakahahawang Delta coronavirus variant.
Ayon sa mga eksperto, ang variant na unang na-detect sa India, ay maaaring makahawa ng lima hanggang walong katao “in one setting.”
Sa ilalim ng ECQ, tanging ang mga essential trips at services lamang ang pinapayagan.
Nauna rito, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang nalalapit na ECQ ay mas mahigpit. (Daris Jose)
-
Savings at Shelter financing ng Pag-IBIG fund, matatag
NANANATILING matatag ang savings at shelter financing ng Home Development Mutual Fund (HDMF), o mas kilala bilang Pag-IBIG Fund sa ikatlong quarter ng 2024. Ito naman ang iniulat ni Domingo Jacinto, Jr., Acting Vice President ng Pag-IBIG Fund sa kanyang pagharap sa Kapihan sa Bagong Pilipinas kahapon. Ayon kay Jacinto, umabot sa P98.72-B […]
-
Casting Jackie Chan For ‘Shang-Chi 2’ Would Be A Dream, Says Director Cretton
WRITER/DIRECTOR Destin Daniel Cretton says casting Jackie Chan for ’Shang-Chi 2’ would be a dream following his influence on the first film. For his Marvel Cinematic Universe debut, Cretton put together an ensemble roster primarily of Asian actors including Kim’s Convenience alum Simu Liu in the titular role, Awkwafina, Meng’er Zhang, Fala Chen, Benedict Wong, Michelle Yeoh and […]
-
Alex Eala umangat pa lalo ang WTA rankings
LUBOS ang pasasalamat ngayon ni Pinay tennis star Alex Eala matapos ang muling pag-akyat ng kaniyang ranking sa Women’s Tennis Association. Ayon kasi sa pinakahuling ranking na inilabas ng WTA na nasa pang-136 na ito ngayon. Noong unang linggo ng Enero ay nasa pang-143 lamang ito matapos ang bigong maka-usad sa main draw ng Australian […]