• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Active COVID-19 cases sa NCR nakikitang papalo sa 58-K sa katapusan ng Setyembre

Binago ng Department of Health (DOH) ang kanilang COVID-19 case projections para sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ayon kay Health Under­secretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na kumakalat ang virus pero sa mas mabagal na rate.

 

 

Sa kanilang tantiya, maaring aabot ang COVID-19 active cases ng 58,117 pagsapit ng Setyembre 30 bago ito bababa sa 54,780 sa Oktubre 15 at 46,536 sa Oktubre 31.

 

 

Nakikita rin nila na sa Oktubre maitatala ang peak pagdating sa mga active cases o iyong mga pasyenteng nagpapagaling pa sa COVID-19.

 

 

Samantala, sinabi rin ng DOH na posibleng makapagtala ng 6,085 na bagong mga kaso ng COVID-19 pagsapit ng Setyembre 30.

 

 

Gayunman, nilinaw ni Vergeire na maari pa ring magbago ang mga projections na ito dahil nakabase lamang ang mga ito sa kanilang assumptions at mga pagbabago sa actual case trend.

Other News
  • Ads February 28, 2022

  • IYA, naging emotional nang i-post ang photo nang umiiyak na anak na ‘di malapitan; naka-isolate sa bahay dahil COVID positive

    FOUR months preggy na si Iya Villania-Arellano, ang ‘Chika Minute’ host ng 24 Oras at ng morning show na Mars Pa More ng GMA Network, sa fourth child nila ni Drew Arellano.     Malungkot siya na nag-post dahil naka-isolate sa kanilang bahay dahil COVID-19 positive siya.           “The situation here in Casa […]

  • Ayuda sa seniors, PWDs dapat gawing P1K

    NANGAKO ang ACT-CIS Partylist na tatrabahuhin ng kanilang grupo na madagdagan ang ayuda para sa mga indigent senior citizens sa bansa.     Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, “sa kasalukuyan, P500 lang ang natatanggap na ayuda buwan-buwan ng mga indigent senior citizens natin at PWD.”     Ang budget ay nanggagaling sa Department of […]