• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Adik na mister kinasuhan, misis kinatay

HINDI umobra ang kasong isinampa ng misis sa kanyang mister na umano’y adik matapos tuluyan itong patahimikin nang pagsasaksakin ito sa loob ng kanilang silid, iniulat kahapon (Miyerkules) ng umaga sa lalawigan ng Pangasinan.

 

Kinilala ang biktimang si Jennelyn Qumiang habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Reynaldo Catungal Loresco, at kapwa residente ng Brgy. Cablong sa bayan ng Sta. Barbara Pangasinan.

 

Batay sa report ng Sta Barbara Police Station, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng mag-asawa sa nasabing lugar.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang kuwarto na nauwi sa pananaksak na ikinamatay ng biktima.

 

Kwento ng mga anak ng biktima, narinig pa nilang nag-aaway ang kanilang mga magulang subalit makalipas ang ilang minuto ay bigla na lamang tumahimik.

 

Lumabas sila ng kanilang silid para alamin ang nangyari pero nakita na nila ang ama na duguan ang mga kamay at naghuhugas habang ang kanilang ina ay nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay.

 

Kaagad naman humingi ng tulong sa awtoridad ang mga anak pero mabilis na tumakas ang suspek gamit ang motorsiklo.

 

Nabatid na kinasuhan ng biktima ang suspek ng kasong paglabag sa Violence Against Women and their Children (VAWC) dahil sa pananakit sa kanya, subalit nakakapunta pa rin ito sa kanilang bahay.

 

Ayon pa sa pulisya, isa sa mga drug personality si Loresco sa bayan ng Sta. Barbara.

Other News
  • ‘Di talaga bet ang beauty pageant kahit kinukulit: JANINE, happy na nakapag-Venice International Film Fest tulad ni NORA

    MAY na-encounter na Hollywood o international celebrity sa pagdalo ni Janine Gutierrez sa 81st Venice International Film Festival kamakailan.   Para ito sa exhibition ng pelikula niyang ‘Phantosmia’ na dinirehe ni Lav Diaz na apat na oras at labinglimang minuto ang haba.   “Actually ang talagang kinausap ko lang si Taylor Russell,” ang bulalas ng […]

  • Early registration para sa next school year magsisimula na sa Marso 25 hanggang Abril 30 – DepEd

    MAGSISIMULA na ang early registration sa mga pampublikong elementarya at sekondarya para sa susunod na school year sa araw ng Biyernes, Marso 25 hanggang Abril 30.     Base sa memorandum na nilagdaan ni Education Secretary Leonor Briones, maaari ng mag-preregister ang lahat ng incoming Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 mag-aaral sa lahat ng […]

  • Sec. Roque, nagpaalam na bilang tagapagsalita ni PDu30 at ng IATF

    NAGPAALAM na si Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko na iiwan nito ang kanyang posisyon para harapin ang hamon sa kanyang pagtakbo sa pagka-senador.   Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni Sec. Roque na ito na ang huling araw na tatayo siya bilang tagapagsalita ng Pangulo at tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF).   […]