Administrasyon ni PBBM, patuloy na dinaragdagan ang Kadiwa stalls sa iba’t ibang panig ng bansa
- Published on April 1, 2023
- by @peoplesbalita
PATULOY na dinaragdagan ng administrasyong Marcos ang Kadiwa stalls sa bansa para makatulong sa mga mamimili sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at tulungan ang lokal at maliit na negosyo.
Personal na dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo sa Limay, Bataan, araw ng Biyernes.
“Alam naman natin sa kasalukuyan ‘yan ang pinakamabigat na problemang hinaharap nating lahat at pataas nang pataas ang presyo ng bilihin. Naging problema ito dahil tayo ay…umaasa na tayo masyado, bago noong pandemiya, umaasa na tayo masyado sa importation… napabayaan natin ang agrikultura kaya mababa ang ani ng ating mga magsasaka,” ayon sa Pangulo.
“Bukod sa ating pagdala ng mga bilihin na mas naipagbibili ng mura ay nabibigyan din natin ng pagkakataon ang ating mga local na negosyante na gumagawa na may sariling produkto,” dagdag na wika nito.
Nauna rito, sinabi ng Pangulo na mahigit sa 500 Kadiwa stalls sa iba’t ibang panig ng bansa ang magtutustos ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mamimili sa murang halaga.
Sa katunayan aniya ay inatasan na niya ang Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, at ang Department of the Interior and Local Government na dagdagan ng mas maraming Kadiwa stalls sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Matatandaang, noong holiday season ng nakaraang taon, sinimulan ng administrasyon ang mahalagang bilang ng mga Kadiwa stores at outlets sa buong bansa bilang bahagi ng hakbang nito na tiyakin ang food security at tulungan ang mga mamimili mula sa sumisirit na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Samantala, sa hiwalay na event, namahagi naman si Pangulong Marcos ng tulong mula sa pamahalaan sa ilang benepisaryo para tulungan na makabawi mula sa COVID-19 pandemic.
“Asahan ninyo po na ang inyong pamahalaan, hindi kayo nakakalimutan basta’t pagkasabi ninyo na kayo ay nangangailangan ay tuloy tuloy pa rin po ang aming ibibigay na tulong,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
DOH, nakapagtala ng 16 pang kaso ng highly transmissible Omicron subvariants
NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng 16 pang kaso ng highly transmissible omicron subvariants na BA.5 at BA.2.12.1. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bilang ng mga bagong impeksyon ay nagpataas sa kabuuang kaso ng BA.5 at BA.2.12.1 sa buong bansa sa 11 at 39. Anim pang kaso ng BA.5 ang […]
-
‘Mallari’, naghakot sa 72nd FAMAS Awards: KATHRYN, waging Best Actress at tie sina PIOLO at ALFRED sa Best Actor
FOR the first time, nagwagi si Kathryn Bernardo ng FAMAS Best Actress trophy para sa kanyang mahusay na performance sa “A Very Good Girl”. Ang star-studded na 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards ay ginanap noong Linggo nang gabi sa The Manila Hotel. Naghakot naman ng six awards ang “Mallari” kasama […]
-
Ads October 7, 2024