Administrasyong Marcos, itinaas ang borrowing ng 23%, dahil sa domestic debt
- Published on December 3, 2024
- by @peoplesbalita
HUMIRAM ang administrasyong Marcos mula sa local at foreign sources sa unang 10 buwan ng taon para itawid ang budget deficit ng gobyerno.
Makikita sa data mula sa Bureau of the Treasury na ang gross financing ng National government ay tumaas ng 23% mula January hanggang October 2024 ng P2.429 trillion, mula P1.975 trillion sa kaparehong panahon ng nakaraang taon.
Ang pagtaas sa borrowing ay bunsod ng pag-secure ng gobyerno ng P129.26 bilyong halaga ng loans mula sa domestic at foreign creditors noong October. Gayunman ang halagang ito ay mas mababa sa P225.2 billion na hiniram sa kaparehong buwan noong 2023.
Ayon sa Treasury report, ang pagbaba sa October borrowing ay dahil sa pagbabawas ng gobyerno ng offshore financing nito mula P174.63 billion noong nakaraang taon sa P67.46 billion.
Sa kabilang dako, itinaas naman ng gobyerno ang domestic financing nito ng 22% sa nasabing buwan , sa P61.8 billion mula sa P50.57 billion.
Kasama ang karagdagang paghiram noong Oktubre, ang kabuuang gross financing mula foreign creditors ay umabot sa P556.25 billion sa unang 10 buwan ng taon, tumaas mula sa P456.31 billion sa nakalipas na taon.
Ang kabuuang domestic borrowing ay tumalon naman sa 22% sa P1.863 trillion sa pagtatapos ng Oktubre, mula P1.519 trillion sa nakaraang taon.
Samantala, ang total borrowing ni Pangulong Marcos sa unang 10 buwan ng taong kasalukuyan ay kumakatawan sa 94.5% ng full-year program na P2.57 trillion ng national government. (Daris Jose)
-
Fare discount sa seniors, PWDs at estudyante, pinaalala ng LTFRB
MULING ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan na ang pagkakaloob ng 20 percent discount sa mga pasaherong elderly, PWDs at estudyante. Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na may karampatang parusa ang hindi susunod sa batas hinggil dito bukod sa parusang igagawad sa […]
-
THE GOOD, THE BAD AND THE MIGHTY: WHO’S WHO IN “BLACK ADAM”
A new era in the DC Universe has begun with the introduction of Black Adam and The Justice Society in Warner Bros.’ epic superhero adventure “Black Adam,” smashing in cinemas and IMAX across the Philippines starting October 19. [Watch the film’s newest trailer at https://youtu.be/MgSTfFxO88o] Get to know these fan-favorite characters as […]
-
Sa tanong kung kasal na sila ni Sam: CATRIONA, sinagot ang follower ng ‘not yet but soon’
IBA talaga ang isang Barbie Forteza, kaya niyang gawin anuman ang hinihingi ng role niya sa kanya. Tulad ngayon na nasa last two weeks na lamang ang action-drama series nila ni David Licauco, ang “Maging Sino Ka Man,” ay sumabak pa siya sa isang matinding action scene. Kung noong unang bahagi ng serye […]