Administrasyong Marcos, prayoridad ang food security
- Published on June 20, 2022
- by @peoplesbalita
GAGAWIN lahat ng incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang makakaya nito at pagsisikap upang matiyak ang food security sa bansa.
Ito’y matapos magbabala ang World Bank, World Trade Organization, United Nations Food and Agriculture Organization, at World Food Programme ng global food crisis na makaaapekto sa mahihirap at developing countries.
Sa isang kalatas, tiniyak ni Press Secretary-designate Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles sa publiko na ang administrasyong Marcos ay handa na patatagin ang food supply at paghusayin ang food production.
“Gaya nang nasabi na ni President-elect Marcos, mangangailangan ‘yan ng agarang tugon, at dapat agaran ding simulan ang pangmatagalang mga solusyon,” ayon kay Cruz-Angeles.
Kinilala naman ni Cruz-Angeles ang patuloy na nananaig na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, Russia-Ukraine crisis, climate change, at mataas na presyo ng langis ay kabilang sa mga dahilan ng global food insecurity.
Sinabi pa nito na ang ibang bansa na maaapektuhan ng nagbabadyang food shortage ay maaaring mapilitan na i-adopt ang mga hakbang na ginawa noong 2007-2008 global food crisis, kabilang na ang restriksyon sa food exports, tugunan ang problema.
Inamin nito na isang malaking hamon para sa Pilipinas na gawin ang kahalintulad na aksyon.
“May mga bansang mapipilitang magsuspinde ng export ng kanilang produkto upang matiyak ang sarili nilang suplay ng pagkain at agapan ang pagtaas ng domestic prices sa gitna ng pagsipa ng world prices,” ayon kay Cruz-Angeles. (Daris Jose)
-
‘You did a good job: Pdu30, pinasalamatan ang mga Filipino SEA Games participants
PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga atletang Filipino at mga coaches na nagpartisipa sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam mula Mayo 12 hanggang 23. “The results of the Philippine contingent’s participation in the SEA Games, be it “with or without medals,” ang masayang pahayag ng Pangulo. […]
-
Empowering Film ‘She Said’ Based on True Events
TWO-TIME Academy Award® nominee Carey Mulligan (Promising Young Woman, An Education) and Zoe Kazan (The Plot Against America, The Big Sick) star as New York Times reporters Megan Twohey and Jodi Kantor, who together broke one of the most important stories in a generation— a story that shattered decades of silence around the subject of […]
-
Makikitang kasama si Sen. Chiz papuntang bookstore: HEART, ni-reveal na nag-aaral na magsalita ng French
NI-REVEAL ni Heart Evangelista na nag-aaral siyang magsalita ng French. Sa kanyang Tiktok video, pinost niya: “Today is my first day of school. School school-an, I am learning how to speak French.” In the video, Heart was seen with her husband Senator Chiz Escudero driving to a bookstore. Heart […]