• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ADMISSION SA NAVOTAS HOSPITAL LILIMITAHAN

DAHIL sa kakulangan ng medical staff matapos maapektuhan ng COVID-19, kinailangan limitahan muna ang admission ng mga pasyente sa Navotas City Hospital (NCH) simula September 11 hanggang September 30, 2021.

 

 

Kaya naman humihingi ng pang-unawa ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng NCH at anumang abalang maidudulot nito.

 

 

Ayon sa City Health Department, inisyal check-up lang muna ang kailangan gagawin sa mga bagong pasyenteng dadalhin sa NCH at kung kailangan ilipat ang pasyente sa ibang hospital ay kailangan i-coordinate ito ng NCH sa ibang ospital.

 

 

Sa kasaluyan ay level 1 ang status ng NCH kaya limitado ang mga serbisyong maibibigay nito tulad na lamang ng ICU.

 

 

Ganunman, sinisikap ng mga medical frontliners na maibigay ang pag-aalagang kailangan ng mga pasyente.

 

 

Ani Mayor Tiangco, nakalulungkot isipin na ilang mga kawani ng NCH ang kailangan ma-quarantine o i-isolate matapos maapektuhan ng naturang sakit.

 

 

Patuloy naman ang pakiusap ng alkalde sa lahat ng may edad 18 pataas na magpabakuna na upang maiwasan na magkaroon ng malalang kondisyon ng COVID-19.

 

 

“Mahawaan man tayo, di tayo magkakaroon ng severe o critical COVID at mangangailangan na dalhin sa ospital. Hindi po simpleng ubo o sipon ang COVID. Nakamamatay po ito. Wag po nating hintayin na magkasakit tayo o ang ating mga mahal sa buhay,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Other News
  • NTC, susuriin at rerebisahin ang broadcast block time deals

    INATASAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng television at radio companies na magsumite ng kanilang  block time deals para sa ‘approval’ ng ahensiya.     Nakasaad  sa memorandum na ipinalabas ng NTC na may petsang Hunyo 23,  ang mga block time deals ay hindi dapat na mahigit sa  50%  ng  daily airtime broadcast […]

  • Quiapo church at PNP nagkasundo na ipasara ang simbahan kung ‘di masunod ang quarantine protocols

    Nagkasundo ang PNP at ang mga opisyal ng Quiapo church na ipasara ang simbahan at isuspinde ang misa sa pagdiriwang ng kapistahan ng Poong Nazareno sa January 9, 2021 kapag nilabag ng mga deboto ang ang quarantine protocol dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.     Suspendido ngayong taon ang Traslacion dahil sa banta pa […]

  • New “Wicked” Featurette Unveils the Magic Behind Oz’s Untold Story

    THE wait is finally over for fans of the hit Broadway musical, Wicked. After captivating audiences for over two decades, this beloved story is taking a leap from the stage to the big screen with its highly anticipated film adaptation. Directed by Jon M. Chu (Crazy Rich Asians, In the Heights), Wicked is set to […]