Adoration chapel ang takbuhan ‘pag may problema: JUDY ANN, naisip din noon na mag-quit na lang sa showbiz
- Published on November 27, 2024
- by @peoplesbalita
SA tatlumpung’t walong taon na niya sa industriya ng pelikula at telebisyon, may pagkakataon bang pumasok sa isipan ni Judy Ann Santos na mag-quit o huminto na sa pag-aartista?
Na ayaw na niyang mag-artista?
“Alam mo siguro… oo naman,” umpisang sinabi ni Judy Ann.
“Nung bata ako, nung bata ako na andaming… hindi pa bashers ang tawag sa mga nagba-blind item and all.
“At some point, pag pagod ka and feeling mo wala kang kakampi, lalo pag bata ka, siguro mga ano ‘to, 16, 17 na halos wala ako talagang pahinga. Maiisip mo talaga, ‘Worth it pa ba ‘to?’
“Parang hindi na ako masaya.
“Pero nami-miss ko yung mga katrabaho ko, nami-miss ko yung… alam mo kung ano yung pinaka-nami-miss ko sa bawat pasok ko sa trabaho?
“Crew, production, kasi enjoy na enjoy akong makipagkulitan sa kanila, enjoy na enjoy akong nakikipag-usap sa mga taong may ibang kuwento ng buhay, na tinuturing kang pamilya, yung ganun.
“Yung naiiba yung hulog ko, kasi dun ko na-appreciate na napakasuwerte ko sa binigay na path ng Lord sa akin, na I’m able to experience a lot of things.
“Kung saan-saang bansa ako nakapunta, nakapag-aral ako uli dahil nagtrabaho ako. Kumbaga ang dami kong na-achieve dahil sa trabahong ‘to.”
Dagdag pa niya, “Pero hindi ko naman din itatago sa sarili ko na may mga moments talaga na tinatanong ko sa sarili ko, ‘Bakit ba ako naging artista?’
“Sabi nila mukha akong siopao, sabi nila para akong aparador, sabi nila nagkamata at ilong lang ako, pag ngumiti ako, buhay na siopao na ako,” at tumawa si Judy Ann.
“Tapos pag tinitingnan ko yung sarili ko sa umaga, parang totoo nga,” at muli siyang humalakhak.
“May ganun, yung parang hindi naman ako kawalan sa industriya, may mga ganun talaga.
“Lalo kapag pagod ka tapos wala kang ibang narinig kundi mga negatibong bagay tungkol sa ‘yo, siyempre pag bata ka, hindi mo naman naisip na bad publicity is still publicity, papatulan mo pa rin.
“Maaapektuhan ka talaga, lalo pag wala kang tulog, para kang ipot ng bibe, ang sensitive mo, ang lambot mo, yung, ‘Ayoko na!’
“Tapos iinom ka, magpapakalasing ka, tapos ma-tsi-tsismis ka. So parang dumating ako sa point na hindi ko na alam kung sino yung mga totoong kaibigan ko nung time na yun.
“Kaya hindi naman ako nagbawas, nagbawas na lang ako ng paglabas. Yung sa bahay na lang ako, alam mo yan, sa bahay tayo iinom, punta tayo ng Tagaytay, o alam mo yun, yung kung saan yung pinaka-safe na lugar.
“And then eventually, nakuha ko na yung vibe na gusto ko na pang small group lang pala talaga ako.
“Hindi pala ako pang-barkada package. Yung gusto ko mas intimate na kuwentuhan, ayoko pala nung labas ng labas.”
“So may mga ano din, may mga pagkakataon din, ako rin naman yung gumagawa ng paraan na makapag-reset ako, kasi na-realize ko na, ‘Ay kung hindi ako magre-reset para sa sarili ko, ikamamatay ko itong trabaho ‘to!’
“Kasi wala akong pahinga, wala akong tulog, hindi ako nakakakain ng tama. Tapos feeling ko kasi bata ako, hindi ako magkakasakit.
“But at the end of the day, yung meron ka lang talaga, maliban sa sarili mo, pamilya mo e, at saka ang Diyos. Kaya ginagawa ko talaga noon, just to keep me sane, every time na mapa-pack up ako from a shooting or a taping, bago ako umuwi dadaan ako sa Adoration Chapel, meron akong quiet time.
“Palagi akong may quiet time. Minsan nga dun na ako nakakatulog, ginigising lang ako ng guwardiya.
“Kumbaga iyon na yung naging safe space ko.
“Alam ng mga naging drivers ko yan na bago umuwi tatanungin ako, ‘Bunso daan ba tayo ng chapel?’
“Alam nila yun, yung kailangan hindi lang makapagpag, pero makapagpasalamat man lang ako na I was able to get through that day,” pahayag pa ni Judy Ann na bida sa ‘Espantaho’ na official entry ng Quantum Films, Cineko Productions at Purple Bunny Productions sa 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Disyembre 25, 2024.
Sa direksyon ni Chito Roño, nasa ‘Espantaho’ rin sina Lorna Tolentino, Chanda Romero, Janice de Belen, JC Santos, Nico Antonio, Donna Cariaga, Mon Confiado, ang child actor Kian Co at sina Eugene Domino at Tommy Abuel sa mga espesyal na papel.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
2 estudyante, delivery rider, funeral boy, karpintero kulong sa higit P300K droga sa Caloocan
BINITBIT sa selda ang limang hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng ilegal na droga nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City. Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLT COL. Robert Sales ang naarestong mga suspek na sina alyas “Paupau”, 22, […]
-
Duterte drug war, isinunod sa ‘Davao Death Squad’ – De Lima
INIUGNAY ni dating senadora Leila De Lima ang “Davao Model” sa Davao Death Squad (DDS), na binuo umano ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte noong panahon na nagsisilbi siyang mayor ng Davao City. Ang Davao model ang terminong ginamit ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa kampanya kontra droga […]
-
Ads December 29, 2021