• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ADVERTISING INSTALLER SINAKSAK NG KAINUMAN

NASA malubhang kalagayan ang isang 36-anyos na advertising installer matapos saksakin ng kanyang kainuman makaraan ang mainitang pagtatalo sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

Si Crispelito Cebreno ng Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Lorenzo Ruiz General Hospital bago inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito inoobserbahan sanhi ng saksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col Jessie Tamayao, kaagad namang naaresto ng rumespondeng pulis ang suspek na si Rolando Vinluan, 55 subalit hindi narekober ang patalim na ginamit sa pananaksak sa biktima.

 

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Jose Romeo Germinal II, alas-8:20 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa loob ng bahay ng huli nang mauwi ang dalawa sa mainitang pagtatalo hanggang sa magsuntukan ang mga ito.

 

“Palaging nagkakaroon ng pagtatalo ang mga iyan kapag nag-iinuman, tapos naaayos naman pero kapag nag-inom ulit, nauungkat yung kanilang mga lumang pinagtatalunan,” ani Sgt. Baroy.

 

Nang maramdaman ng suspek na natatalo siya sa suntukan ay kumuha ito ng patalim at inundayan ng saksak sa katawan ang biktima.

 

Sa kabila ng tinamong saksak, nagawang makatakbo ng biktima palabas hanggang sa makahingi ng tulong sa kanyang live-in partner. (Richard Mesa)

 

Other News
  • NLEX sablay sa bentahan vs barat na buyer

    BUKING na sa sektor ng negosyo na pinagbibili na ng may-ari ng North Luzon Expressway o NLEX Road Warriors ang prangkisa nito sa Philippine Basketball Association (PBA).   Nabatid sa isang impormante na may nakikipagnegosasyong isang malaking kompanya sa pangasiwaan ng Road Warriors para sa bentahan ng isa sa tatlong PBA team ni Manuel V. […]

  • Healthcare system sa Pilipinas nakahanda sa harap ng banta ng Omicron variant

    Nanatiling nakahanda ang health system sa bansa sakali mang tumaas muli ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa harap ng banta ng Omicron variant, ayon sa Department of Health (DOH).     Sinabi ni DOH Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega na alam ng pamahalaan ang gagawin kung magkaroon man ng mas nakakahawang Omicron […]

  • Presidential aspirant Yorme Isko Moreno, suportado ng mga Cebuanos

    LIBO-libong supporters ang sumalubong kay Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Cebu sa kanyang pagbisita sa nasabing lalawigan bilang bahagi ng kanyang “listening tour” na nakatutok sa mga pangkaraniwang tao. Hindi magiging ganap ang pagdalaw ng alkalde sa Cebu kung hindi matitikman ang malutong at masarap na Cebu lechon.     […]