AFP chief pinaalalahanan ang mga sundalo na manatiling tapat sa Konstitusyon
- Published on November 12, 2021
- by @peoplesbalita
Pina-alalahanan ni AFP Chief of Staff Gen. Jose Faustino Jr, ang lahat ng miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na manatiling tapat sa Konstitusyon.
Ang paalala ay ginawa ni Faustino sa kaniyang mensahe sapagdiriwang ng ika-31st Aniberdsaryo ng AFP Code of Conduct .
Ayon kay Faustino, responsibilidad ng bawat sundalo na itaguyod ang integridad at dangal sa pagganap ng kanilang mandato na pagsilbihan ang bayan.
” We must always be reminded of our sworn duty and loyalty to the Constitution and its democratic institutions,” pahayag ni Gen. Faustino.
Ang nasabing mensahe ni Chief of Staff ay sabay sabay na binasa ng mga unit commanders sa buong bansa na sinundan ng renewal of Pledge of Allegiance sa AFP Code of Conduct.
Nakiisa sa pledge of allegiance ang lahat ng AFP Major Services, Unified Commands, units and offices ng AFP sa buong bansa sa pamamagitan ng virtual conference.
Ang AFP Code of Conduct Day ay isang paraan para paalalahanan ang bawat sundalo na respetuhin ang batas at ang legal processes.
Hinimok naman ni Faustino ang mga sundalo na ipagpatuloy na tumulong sa pagmantini ng isang “transparent” at “accountable” na AFP na ikararangal ng buong bansa. (Daris Jose)
-
Palaisipan kung para saan ang pagmamaneho ng jeep: DINGDONG, labis-labis ang pasasalamat sa suportang nakuha para sa ‘Family Feud’
LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, dahil after two weeks pa lamang siyang nagho-host ng Family Feud ay grabe na ang suportang nakuha nila sa mga televiewers. “Moment of joy po ang nararamdaman ko, and I’ll be forever grateful for the opportunity to bring joy and laughter to all our […]
-
Pinas, dapat na kumuha ng hudyat mula sa matapang na paninindigan ng Ukraine laban sa China- 2 presidential bets
MAAARING matuto ang Pilipinas mula sa naging paninindigan ng Ukraine laban sa naging pag-atake ng Russia para idepensa ang teritoryo nito at soberenya laban sa China. Ito ang magkaparehong posisyon ng dalawang presidential candidates sa idinaos na Presidential Debate ng CNN Philippines, araw ng Linggo. Sa tanong kung ano ang kanilang […]
-
Sobrang na-touch si Manay Lolit: KRIS, ‘di nakalimutang mag-send ng gift kahit na may matinding sakit
SA Instagram account ni Manay Lolit Solis binanggit niya na nakaramdam daw siya ng sobrang kaba nang malaman ang naging dahilan ng pagkamatay ng kapwa niya talent manager na si Leo Dominguez. Ayon kay Manay Lolit na may karamdaman din sa ngayon ay hindi pa rin daw siya maka-get over sa pagkamatay […]