After civil wedding, kaabang-abang ang church wedding… RIA, nagpakasal na kay ZANJOE sa mismong kaarawan niya
- Published on March 26, 2024
- by @peoplesbalita
SA pamamagitan ng intimate wedding ceremony officiated by Quezon City Mayor Joy Belmonte, ikinasal ang celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
Naganap ang civil wedding last Saturday, March 23, around 3 in the afternoon. Sinaksihan ito ng pamilya at malalapit na kaibigan.
Sa Instagram post ng Kapamilya actor makikitang nakasuot siya ng black suit habang naka-white dress naman si Ria na may hawak na bouquet of flowers.
Ibinahagi rin ng aktor ang litrato ng kanilang bonggang wedding cake at isang black and white photo na tuwang-tuwa ang newly wed habang sinasabuyan ng petals ng bulaklak.
Caption ni Zanjoe, “03.23.24…
Happy Birthday MY WIFE!”
Itinaon talaga ang civil wedding sa 32nd birthday ni Ria, kaya double celebration ang nangyari sa panganay na babae nina Sylvia Sanchez at Art Atayde.
Naglabasan na rin ang mga photos na kuha sa wedding at sa reception.
Sa Balesin Island naman ang magaganap ang celebration na dadaluhan ng kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
Bumuhos naman ang mga pagbati sa pagpapakasal nina Ria at Zanjoe, na kung saan na-engage lang last month.
Nag-post din ng photo si Cong. Arjo Atayde na kuha sa wedding ng dalawa at may caption na, “Congratulations Ria and Zanjoe! Wishing you both a lifetime of love, laughter, and beautiful moments together. I love you both!”
Bago naman ang announcement ng kasal nina Ria at Zanjoe, nag-post din si Sylvia ng photo nilang mag-ina sa kanyang FB at IG account at may mensahe na, “Happy ako sobra dahil happy ka.
Happiest Birthday my Potpot @ria. Love u so much.”
Ilan sa mga unang bumati ng best wishes sa newly-wed ay sina Maine Mendoza, Rhea Tan, Marco Gumabao, Vina Morales, Carla Abellana at iba.
Mensahe naman ng kapatid ni Ria na si Gela Atayde, “Welcome to the family, kuya!”
Say naman ng aktres na si Jane Oineza, “Cutieeeees!!! So happy for the both of you!!”
“Uy wife!! Congrats mr & mrs marudo,” naman ang comment ni Angelica Panganiban.
Comment ni Isabelle Daza, “OMGGGGGG!”
“Congrats z and @ria!” sabi ni Kaye Abad.
“Congratulations tatayyy and ate @ria!” komento ni Kyline Alcantara.
“Wow! Congrats and best wishes Z!” sabi ng direktor na si Theodore Boborol.
“I’m soooo happy for ya both!!!,” say naman ni Arci Munoz.
Nag-comment din si Ms. Gloria Diaz ng, “Wow so happy for u both!”
Maging si Vice Ganda at nag-send din ng kanyang pagbati, “Congratulations Z and Ria!”
After ng civil wedding, tiyak na aabangan kung kailan naman magaganap ang church wedding kina Ria at Zanjoe, na for sure, magiging engrande din tulad ng kasalan Arjo at Maine last year.
-
DILG, pinayuhan ang LGUs na maglunsad ng barangay anti-dengue campaign
PINAYUHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) na buhayin ang kanilang barangay inter-agency campaign laban sa dengue bunsod na rin ng pagtaas ng kaso nito. Sa isang kalatas, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD) ay itinatag simula pa […]
-
P576K halaga ng marijuana nasabat sa Malabon, 4 timbog
SHOOT sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng halos P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Prea Enate, 21, […]
-
PNR extension project magsusulong ng pag-unlad sa C. Luzon
Inaasahan na magbibigay at magsusulong ng pag-unlad sa ekonomiya ng Central Luzon ang North-South Commuter Rail Project kapag natapos na ang pagtatayo nito. Makapagbibigay din ang NSCR hindi lamang para sa pag-unlad ng ekonomiya sa Central Luzon kung hindi marami rin ang trabaho na malilikha ito. “A transport infrastructure project like […]