• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After manalo sa Los Angeles Film Critics Association Awards… DOLLY, first Filipina actress na na-nominate sa ‘Golden Globe Awards’

PAGKATAPOS manalo sa Los Angeles Film Critics Association Awards, nasungkit ng Filipina actress na si Dolly de Leon ang best supporting actress nomination sa 80th Golden Globe Awards para sa pelikulang Triangle of Sadness.

Ang kakalaban lang naman ni Dolly sa best supporting actress category ay ang sina Angela Bassett (Black Panther: Wakanda Forever), Kerry Condon (The Banshees of Inisherin), Jamie Lee Curtis (Everything Everywhere All At Once) and Carey Mulligan (She Said).

Si Dolly ang kauna-unahang Filipina actress in the history of the Golden Globe Awards na ma-nominate sa acting category for a motion picture.

Natuwa ang maraming Pinoy netizens ng i-announce ang official list of nominees ng 2023 Golden Globe Awards na gaganapin sa January 10, 2023 sa Beverly Hills, California.

“Thank you for including me in that very short list of very talented supporting actresses. Hindi ako sanay sa nomination na ganito. Ang sarap! Sana mas marami pa sa atin ang makatanggap ng ganitong recognition because so many of us deserve it,” sey pa ni Dolly sa isang video interview tungkol sa kanyang nomination.

Sa ‘Triangle of Sadness’, ginagampanan ni Dolly ang role bilang si Abigail, ang Pinay cleaning lady na naging leader ng shipwreck survivors. 

 
Napansin ang natural at effortless performance niya kaya na-predict ng film critics na magiging strong contender si Dolly sa mga major award-giving bodies sa Amerika tulad ng Golden Globe at Academy Awards.

Dahil sa Golden Globe nomination ni Dolly, indication ito na puwede siya maging top contenders para sa best supporting actress category ng 95th Academy Awards.

***


PAGKARAAN ng pitong taon ay nakauwi na mula sa United Kingdom ang former Streetboys member na si Spencer Reyes.

Isa ito sa mga kuwento na magpapahula sa inyo na handog ng YouTube series ng GMA Public Affairs na Pinoy Christmas In Our Hearts simula ngayong December 13.

Taong 2006 nang biglang talikuran ni Spencer ang showbiz at noong 2008 ay mag-migrate ito sa United Kingdom. Sa Scotland ay nagtrabaho bilang isang bus driver si Spencer.

Dahil sa kanyang pagiging OFW, ilang Pasko na raw na hindi nakakauwi si Spencer at sobra na niyang nami-miss ang kanyang mga magulang.

“Seven years ko silang ‘di nakita. Nami-miss ko pa rin. Sana makauwi akong Pilipinas to say that mahal na mahal ko sila,” hiling ni Spencer nang makapanayam siya ng GMA Integrated News reporter na si Sandra Aguinaldo.

Sorpresa ang pag-uwi ni Spencer sa Pilipinas at nagkunwari pa itong nagka-carolling sa tapat ng bahay nila. Napuno ng luha ang muling pagkikita ni Spencer at ng kanyang magulang pagkaraan ng pitong taon.

Si Spencer ay sinorpresa rin ng GMA Public Affairs ng biglang lumabas ang dating ka-loveteam na si Ice Seguerra. Nagkumustahan at nagyakapan pa ang dalawa dahil sa tagal na panahon nilang hindi nagkita. Naging loveteam sina Ice at Spencer sa sitcom na Okay Ka, Fairy Ko.

Sa mga kabataan ngayon na hindi nakilala si Spencer Reyes, naging miyembro ito ng sikat na all-boy dance group na Streetboys kunsaan nanggaling din sina Danilo Barrios, Jhong Hilario at Vhong Navarro.

Taong 1993 noong mabuo ang Streetboys na mina-manage noon ng award-winning film director na si Chito Rono.

Gumawa ng ilang pelikula ang Streetboys tulad ng Separada, Spirit Warriors at Spirit Warriors: The Shortcut. Nagkaroon din sila ng sariling dance album titled Turbulence at naging hit ang single nila na “Boom Tiyaya”. Nakasama rin sila sa ABS-CBN sitcom na Onli In Da Pilipins at regular silang performer noon sa Sunday variety show na ASAP.

Noong maging solo artist si Spencer, nakasama siya sa mga teleserye na Esperanza at Saan Ka Man Naroroon. Ginawa niya ang mga pelikulang Istokwa, Nasaan Ang Puso?, Computer Kombat, Sa Kabilugan Ng Buwan, Esperanza: The Movie at Tugatog.

 
(RUEL J. MENDOZA)  
Other News
  • Senado iimbestigahan ang vehicle inspection system ng LTO

    Magsasagawa ng isang imbestigasyon ang committee on public services ng Senado tungkol sa operasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) dahil sa sumbong ng mga motorista na nagbabayad sila ng doble sa kanilang vehicles registration fees.   Si Senator Grace Poe ang naghain ng isang resolution na siyang umuupo bilang chairman ng panel kung […]

  • Mga POGO hubs, gawing students’ dorms

    ISINUWESTIYON ni House Deputy Majority Leader Janette Garin na gamitin ang mga na-raid na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) hubs bilang dormitories para sa mga estudyante.   Sa isinagawang plenary deliberations para sa 2025 General Approriations Bill (GAB) nitong Miyerkules, inihayag ni Garin na isa sa kinakaharap na problema ng mg dormitoryo o paupahang kuwarto. […]

  • Japanese tennis star Naomi Osaka nanguna sa highest paid athletes ng Forbes

    KINILALA ng Forbes magazines bilang world’s highest-paid femaile athletes si Japanese tennis star Naomi Osaka.     Mayroong $57.3 milyon mula sa kaniyang prize money at endorsement ang kaniiyang nalikom noong nakaraang taon.     Ang listahan ay inilabas isang taon mula ng umatras si Osaka mula sa French Open para mag-focus sa kaniyang mental […]