• April 28, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After ng break-up nila ng ex-fiance: YASSI, inaming nasa ‘getting to know each other’ na sila ni Gov. LUIGI

MATAPOS mabalita ang recent breakup ni Yassi Pressman with her ex-fiance na si Jon Semira, lumabas naman ang balitang ‘she’s spending more time’ with Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte. 

 

 

 

Hindi naman ito itinanggi ni Yassi, ayon sa kanya, “me and Luigi have known each other for a very long time, parang 10 years na kaming magkakilala.”

 

 

 

Ayon pa sa interview sa kanya ng “24 Oras” sa GMA-7, “So now, we’re just spending more time together and getting to know each other more.”

 

 

 

Hindi na nagsalita pa si Yassi tungkol sa kanyang ex-bf.

 

 

 

“Bilang tao, meron pa rin pong mga bagay na we wanted to keep private, pero ok lang – me and the people involved, lahat kami maayos at nag-uusap pa rin hanggang ngayon,” dagdag pa ni Yassi.

 

 

 

Busy ngayon si Yassi, dahil muli siyang bumalik sa GMA Network at nagti-training para sa mga action scenes, as the leading lady ni Ruru Madrid, sa upcoming action teleserye na “Black Rider.”

 

 

 

Makakasama nila rito sina Matteo Guidicelli (sa first teleserye nito sa GMA), Katrina Halili, Jon Lucas, ang nagbabalik GMA actors na sina Rainier Castillo at Joshua Dionisio, Raymond Bagatsing, Raymart Santiago, Rio Locsin, Gladys Reyes at marami pang iba.

 

 

 

                                                            ***

 

 

 

“NAKAPILA ang mga ginagawa naming pelikula sa GMA Films sa kasalukuyan,” pahayag ni Ms. Annette Gozon-Valdes, Senior Vice President of GMA Network and President/CEO of GMA Films.

 

 

 

“Umaasa kaming babalik na ang mga manonood sa sinehan.

 

 

 

“Ang dami naming ginagawang movies actually, yung movie ni Alden (Richards) and Julia Montes na ‘Five Break-Ups and A Romance,’ excited na kami doon, napanood na namin, napakaganda, napakahusay nilang dalawa.

 

 

 

“Meron din kami, itong joint venture namin with Viva Films, ang ‘Video City’ starring Ruru Madrid and Yassi Pressman. Naiiba ito dahil ang set nito is in the ‘90’s era kaya ang cute rin niyang panoorin.

 

 

 

“Meron pa kaming ginagawa na “Firefly” na sana ay para sa Metro Manila Film Festival. It’s a family-oriented movie na very heartwarming na may touch of fantasy.

 

 

 

“Gagawa rin kami ng isang horror movie with Barbie Forteza. Meron pa kaming isa pang pinaplano for Alden, hindi pa lamang naming ma-reveal kung sino yung leading lady but it’s also a very big project.

 

 

 

“So, marami kaming ginagawang movies ngayon, and hopefully sana ay tangkilikin na ulit ng mga manonood ang local mvoies natin sa theaters.”

 

 

 

***

 

 

 

BUSY pala ngayong naghahanda si actress-host Anne Curtis for her forthcoming action film.

 

 

 

After training in the Filipino martial art Sayoc three months ago, ipinakita na ni Anne sa social media ang pagsali niya sa isang bootcamp training: “Sir, yes, sir. Bootcamp done.  Snappy salute at maraming salamat po 201st Infantry Kabalikat Brigade,” caption ni Anne sa kanyang post.

 

 

 

Ang action film na gagawin ni Anne ay idi-direct ni Erik Matti, na nauna na siyang idinirek nito sa 2018 box office hit na “Buy Bust.”

 

 

 

Ang huli pang movie na ginawa ni Anne ay in the 2019 Metro Manila Film Festival, na “The Mall, The Merrier,” kasama ang good friend niyang si Vice Ganda.

 

 

 

Kaya lamang, Anne went on to take an extended showbiz hiatus after that to focus on her pregrancy and eventually becoming a first-time mother to daughter Dahlia.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Four-day work week sa mga empleyado ng SC, ipatutupad na simula April 4

    IPAPATUPAD na simula sa April 4 ang four-day work week para sa mga emplyeado ng Korte Surprema, kung saan ay pisikal na magtatrabaho ang mga ito sa kanilang opisina sa loob ng apat na araw habang nasa work from home set up naman ang mga ito sa loob ng isang araw.     Alinsunod sa […]

  • 2 PUGANTENG KOREAN NATIONAL, ARESTADO SA ILLEGAL DRUGS AT TELECOM FRAUD

    NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Korean national na wanted sa illegal drugs at telecom fraud.     Kinilala ni  Immigration Commissioner Jaime Morente ang dalawang pugante na si Lee Dongju, 39 at Sim Kyuchul, 40 na naaresto ng mga miyembro ng BI’s fugitive search unit sa isang hotel sa […]

  • GSIS, naglaan ng P1.5B para emergency loans sa dengue-hit areas sa E. Visayas

    NAGLAAN ang state workers’ pension fund Government Service Insurance System (GSIS) ng P1.5-billion na emergency loans para tulungan ang mga miyembro at pensiyonado nito sa iba’t ibang lalawigan sa Eastern Visayas, mga idineklarang calamity areas dahil sa tumaas na bilang ng kaso ng sakit na dengue.     Sa isang kalatas, sinabi ng GSIS na […]