• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After two months: YENG, nagawa nang mag-open up sa pagpanaw ng pinakamamahal na ina

ONE year daw na nag-shoot si Bianca Umali para sa season 3 ng HBO series na Halfworlds at next year daw ay maipapalabas na ito.

 

 

Kung hindi lang daw dahil sa pandemic, matagal nang natapos ang naturang series na kinunan sa Pilipinas.

 

 

Sey ni Bianca: “Iba po ang experience to work with a foreign TV crew like HBO. Very organized and they made sure na kumportable kaming lahat sa set.

 

 

Wish ko po na ma-experience din ito ng mga co-actors ko dahil iba po talaga. Feeling mo ay Hollywood star ka sa set.”

 

 

November 2019 in-announce ng HBO ang season 3 ng Halfworlds na kabilang si Bianca at Sam Concepcion. January 2020 sila nagsimulang mag-shoot with director Mikhail Red at natigil ng ilang buwan dahil sa COVID-19 pandemic. Nag-resume sila ng shoot noong July 2021.

 

 

Kaka-renew lang ng kontrata ni Bianca with GMA Artist Center last November 25. Huli siyang napanood sa cultural teleserye na Legal Wives at looking forward siya sa mas mabibigat pang roles in the future.

 

 

***

 

 

PAGKARAAN nang dalawang buwan ay nagawa nang mag-open up ng singer na si Yeng Constantino tungkol sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina.

 

 

September noong pumanaw ang ina ni Yeng, pero hindi niya ito nagawang maikuwento sa kanyang vlog.  Ayon kay Yeng, ang pagkamatay ng kanyang ina ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya.

 

 

“My mom passed away. Habang natutulog kami ni Yan, isang madaling araw, nag-ring yung phone. Yung tatay ko, nasa kabilang end. That was September 23, ng mga 5 a.m. Hindi ko pa narinig yung boses ng tatay ko na ganun kalungkot. Binalita niya sa amin na wala na si Mama,” sey ni Yeng sa kanyang vlog.

 

 

Naikuwento rin ni Yeng na ilang taon na raw na may problema sa kalusugan ang kanyang ina. Pero this year daw ay mas lumala ang mga komplikasyon nito.

 

 

“Habang tumatanda siya, lalong nagkakaroon ng more complications yung sakit niya. This year talaga, mas naging obvious yung mga complications na yun.”

 

 

Iba raw ang naging relasyon ni Yeng sa kanyang ina. Minsan daw ay nagduda siya kung mahal ba siya ng kanyang ina?

 

 

“To me, yung love ng nanay ko for me is trust. Lagi kong kinukuwestiyon yun nung bata ako, ‘Mahal ba talaga ako ni Mama?’ Kasi sobrang sungit niya sa akin.

 

 

Tapos parang matanda niya akong itrato kahit bunso ako. Pero kaya pala ganun yung nanay ko sa akin, sabi ni Papa, kasi tiwala daw siya sa akin.”

(RUEL J. MENDOZA)     

Other News
  • Cayetano sa Senado: Pa-epal lang kayo sa ABS-CBN franchise

    Sa isinagawang pagdinig ng Senado kahapon (Lunes) sa usapin ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na marami lang umano ang gustong pumapel o umepal.   Bagama’t wala namang direktang pinatamaan si Cayetano ngunit una na itong sinita si Senadora Grace Poe, chair ng public service committee ng Senado, […]

  • Pag-aalis ng face mask ‘wag muna – DOH

    PUMALAG ang Department of Health (DOH) sa ipinalabas na kautusan ng isang local government unit (LGU) na nagsasabing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa ilang lugar.     Iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na masyado pang maaga para itapon na ang face masks o itigil na ang mandatory na pagpapatupad sa […]

  • Pres. Marcos at King Philippe ng Belgium nagpulong

    IPINAGMALAKI nito na mayroon ng mahigit 76 taon na ang bilateral ties ng Pilipinas at Belgium.     Bukod kay King Philippe ay makakasalamuha ay magkakaroon din ng bilateral meeting ito sa mga lider ng Belgium, Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, Netherlands at European Union.