• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aftershocks asahan pa kasunod ng magnitude 7.0 quake sa Abra – Phivolcs

NAGBABALA ang Phivolcs sa mga lugar sa lalawigan ng Abra at iba pang kalapit na lugar na asahan pa ang serye ng aftershocks matapos na tumama kanina ang 7.0 magnitude na lindol.

 

 

Una rito, nairehistro sa mga instrumento ng Phivolcs ang sentro ng malakas na lindol sa tatlong kilometro ang layo mula sa Tayum, Abra dakong alas-8:43 ng umaga na may lalim na 17 kilometers.

 

 

Kaugnay nito, nagpaalala rin naman ang Phivolcs na maaaring magdulot ng pinsala ang naturang pagyanig.

 

 

Ilang mga pinsala na rin ang iniulat ng mga otoridad sa imprastraktura at patuloy pa ang assessment sa mga lugar na nakaramdam ng may kalakasang pag-uga ng lupa.

 

 

Sa lakas ng lindol naramdaman ito hanggang sa Metro Manila kung saan may ilang mga residente ang naglabasan sa kanilang mga tahanan at ilang matataas na gusali.

 

 

Samantala, Pres. Marcos, nagkansela ng aktibidad para asikasuhin ang epekto ng lindol.

 

 

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabibigyan ng tulong ang mga apektado ng magnitude 7.0 na lindol sa malaking bahagi ng Luzon.

 

 

Ayon kay Press Sec. Trixie Cruz-Angeles, may mga aktibidad sanang nakahanay ang pangulo, ngunit minabuti nitong tutukan na lang muna ang pagtugon sa mga nasalanta ng kalamidad.

 

 

Maging sa Malacanang ay naramdaman din ang pagyanig, pati na sa iba pang parte ng Metro Manila.

 

 

Kaya naman, agad nagsagawa ng inspeksyon ang engineering team ng palasyo upang matiyak na walang pinsala ang mga gusali sa complex, bago payagan ang mga tauhan na makabalik sa kanilang tanggapan. (Daris Jose)

Other News
  • Kakaiba at very special ang role sa ‘Pamilya Sagrado’: SHAINA, happy na kasama ang mga respetado at magagaling na artista

    GABI-GABI na nating napapanood sa TV5 ang “Pamilya Sagrado” na pinagbibidahan ni Piolo Pascual kasama sina Kyle Echarri, Grae Fernandez, Mylene Dizon, Rosanna Roces, Aiko Melendez, Tirso Cruz III, Joel Torre, John Arcilla at Shaina Magdayao. Kakaiba sa mga dating role ang ginampanan dito ni Shaina bilang Grace Malonzo. “It’s very special. It is a […]

  • Malakanyang, nakiisa sa buong mundo para sa pagdarasal na matapos na ang girian sa Ukraine

    NAKIISA ang Malakanyang sa bansa at sa buong mundo para sa pagdarasal para sa mas maaga at mapayapang resolusyon sa girian sa Ukraine.     “We reiterate the position of the Philippines that war benefits no one, and that it exacts a tragic, bloody toll on the lives of innocent men, women, and children in […]

  • PDu30, dadalo sa virtual APEC sa Nobyembre

    INAASAHANG dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Week sa Nobyembre 12.   Ang bansang New Zealand ang magho-host ng nasabing event.   “Inaasahang dadalo via video conferencing ang Pangulo sa Asia Pacific Economic Cooperation or APEC sa Nov. 12,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Inaasahan na […]