Agarang pagbabakuna sa lahat ng pulis sa QC iniutos ng mayor
- Published on July 31, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang agarang pagbabakuna sa 536 police personnel ng Quezon City Police District (QCPD) matapos magpositibo sa COVID-19 virus ang nasa 82 personnel ng Station 3 at kasalukuyang admitted sa HOPE facilities ng siyudad.
Napag-alaman na 54 sa 82 na mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 ay residente ng siyudad.
Batay naman sa datos, 57 sa mga ito ay fully vaccinated, dalawa ang ang naka first dose at 23 ang hindi pa nababakunahan.
Ayon kay Mayor Belmonte, batay sa datos, 82 sa mga infected officers mula sa Station 3 Police Community Precincts 1 and 2, 74 dito uniformed personnel, apat civilian employees, at apat na police aides.
Habang ang natitirang 102 police officers at non-uniformed personnel ng Station 3 ay isasailalim din sa re-swabbing matapos ang isang linggo bilang precautionary measures.
42 sa mga ito ang tinukoy na naging close contacts ng mga nag positibo na mga police officers at kasalukuyang isolated sa Camp Karingal habang hinihintay na sumailalim sa swabbed test.
Habang ang 60 na iba pa ay hindi na exposed ay magpapatuloy sa kanilang duty.
Ayon kay QCPD Deputy Director for Administration Col. Ferdinand Navarro hindi maaaring umalis at umuwi ang mga nasabing personnel hangga’t hindi lumalabas ang kanilang swab test results.
Binigyang-diin ni Navarro, kanila itong paraan para masiguro na hindi na kakalat ang virus.
Sa kabilang dako, ayon naman kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na ongoing sa ngayon ang focused testing sa QCPD para matukoy at ma-isolate para mabigyang na kaukulang medical assistance ang mga infected ng virus.
Inihayag naman ni Mayor Belmonte na ang city government ang siyang magbibigay ng pagkain sa loob ng 10 araw sa 220 na mga indibidwal na nakakulong sa Station 3 dahil hindi pinapayagan ang bisita sa istasyon.
Isasailalim din sa contact tracing ang mga inmates.
Nagsagawa na rin ng disinfection at decontamination ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office sa tatlong police stations. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Gomez, Racasa pararangalan ng PSA
PARARANGALAN sina Grandmaster John Paul Gomez at Antonella Berthe Racasa sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel sa Marso 6. Naging matikas kasi sa larangan ng chess sina Gomez at Racasa sa katatapos lang na taong 2019 kaya swak sila sa okasyong magsisimula sa alas-6:00 nang gabi. […]
-
Abueva, balik laro na matapos tanggalin ng PBA ang suspension
TINANGGAL na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang suspension ni Calvin Abueva. Sa inilabas na kalatas ng liga, maaari ng makasama ng Phoenix Super LPG si Abueva sa kanilang laro simula nitong araw ng Lunes. Isinaad pa dito na aktibong lumahok si Abueva sa mga counselling program. Bago ang nasabing desisyon ay […]
-
DAILY AVERAGE NA KASO NG COVID, NAG-PLATEAU NA
SINABI ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na nag-plateau na ang daily average ng tinatamaan ng COVID-19 sa Metro Manila nitong nakalipas na linggo kung saan nagpapakita nang malaking pagbagal sa pagbaba ng mga kaso. Mula sa 404 noong Nobyembre 1 hanggang 7, bumaba sa 435 ang arawang kaso nitong Nobyembre 8 […]