• October 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Agarang tulong pinatitiyak… PBBM nagpaabot ng simpatiya sa mga biktima ng Bagyong Kristine

PINANGUNAHAN ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang situation briefing sa Palasyo ng Malakanyang kung saan hiningan nito ng update ang mga concerned agencies.Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang situation briefing sa Palasyo ng Malakanyang kung saan hiningan nito ng update ang mga concerned agencies.

 

Ang pulong ay dinaluhan ng mga gabinete at mga head ng ibat ibang government agencies.

 

 

Bilang agarang tugon ng pamahalaaan, iniulat ng Pang. Marcos na dumating na sa Bicol International Airport (BIA) ang C130 aircraft ng Phil. Air Force kaninang umaga na may bitbit na mga food stuff, relief items at mga equipment gaya ng generator sets, satellite communication, water filtration units at mga personnel ng AFP.

 

 

Ayon sa presidente, nagdeploy rin ang AFP ng mga sundalo mula sa Phil Army na na magsasagawa search and rescue efforts at humanitarian mission.

 

 

Sa ngayon nasa kabuuang 40 na rescue boats na ang na-deploy.

 

 

Ayon sa Pangulo kaniyang pinatitiyak sa mga concerned agencies na kaagad mabigyan ng tulong ang ating mga kababayan.

 

 

Ipinag utos din ng Pangulo ang pag mobilize sa mga personnel ng AFP, PNP, PCG at BFP para tumulong sa search and rescue operation at pamamahagi ng tulong.

 

 

Nagpaabot naman ang pangulo ng simpatiya sa mga kababayan nating naapektuhan ng hagupit ng bagyong kristine.

 

 

Sinabi ng Presidente na nagsusumikap ang gobyerno na maibigay ang agarang pangangailangan para sa ating mga kababayan.

 

 

Aniya 24 oras nag tatrabaho ang gobyerno para mabigyan ng agarang tulong ang ating mga kababayan.

 

 

Pinasalamatan din ng Pangulo ang proactive measures ng mga LGUs kung saan maraming buhay ang naligtas.

 

 

Maituturing kasing first responders ang mga ito.

 

 

Nakatakda namang magsagawa ng aeriak inspection ang pangulo sa bahagi ng Batangas at Cavite mamayang hapon upang makita ang lawak ng pinsala na iniwan ng bagyonf kristine.

 

 

Bukas posibleng bisitahin ng Pangulo ang Bicol region. (Daris Jose)

Other News
  • Gilas Pilipinas inilabas na ang schedule sa 2021 Asia Cup

    Inilabas na ng FIBA ang mga schedule para sa 2021 Asia Cup na gaganapinsa Clark City mula Hunyo 16-20, 2021.     Unang makakasabak ang Gilias Pilipinas laban sa South Korea sa Hunyo 16, 2021.     Susundan na makakaharap nila ang Indonesia sa June 19 at muling haharapin ang South Korea sa June 20. […]

  • 1,000 pulis idineploy sa libing ni ex-President Noynoy

    Nasa 1,000 pulis ang naatasang idineploy sa funeral procession ni dating Pa­ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kahapon.     Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar unang nagpakalat ng mga pulis sa  Ateneo de Manila  University sa  Quezon City  kung saan isinagawa ang misa sa dating Pangulo hanggang sa  procession route sa C5 Road at […]

  • Del Rosario 4th sa WAPT 6th leg, kumita ng P145K

    NAGSUMITE ng one-under par 71 pa-four-day aggregate 284 si Pauline del Rosario supang palabang sumosyo sa ikaapat na puwesto kay Sofia Garcia ng Paraguay at magrasyahan ng $3,050 (P145K) sa karorolyong 3rd Women’s All-Pro Tour 2021, 6th leg $49K (P2.3M) Oscar Williams Classic sa Hurricane Creek Country Club sa Anna, Texas.     Seven strokes […]