Age restrictions ng mga minors sa mall, pag-uusapan ng NCR health officials
- Published on November 18, 2021
- by @peoplesbalita
Nakatakdang magpulong ang technical working group (TWG) na binubuo ng mga Metro Manila health officials para pag-usapan ang magiging restrictions ng mga menor de edad na papapasukin sa mga mall.
Nag-ugat ang nakatakdang pagpupulong ng mga health officials sa pagpositibo ng isang dalawang taong gulang na batang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos itong ipasyal ng kanyang mga magulang sa mall.
Dahil dito, hiniling ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos sa mga magulang na huwag munang ipasyal ang kanilang mga menor de edad sa mga mall para hindi ma-expose sa COVID-19.
Ayon kay Abalos, ipipisinta raw ng TWG ang kanilang rekomendasyon sa mga alkalde ng National Capital Region (NCR) para sa kanilang approval.
Umaasa ang mga itong matatapos nila ngayong araw ang kanilang pagpupulong para bukas ay ipiprisinta na ito sa mga alkalde ng National Capital Region (NCR).
Target daw ng mga alkalde na magkaroon ng uniform na ordinansa.
Una rito, sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, ipinag-utos na nito sa local government units na bumalangkas ng isang ordinasa para payagang pumasok ang mga 12-anyos pataas lamang na pumasok sa mga mall.
-
Mas maraming health workers, nais nang magpabakuna ng Sinovac
Mas marami nang health workers ang nahikayat nang magpabakuna gamit ang China-made Sinovac COVID-19 vaccine partikular sa Philippine General Hospital. Sinabi ni PGH Director Dr. Gerardo Legaspi na nasa 200 hospital staff na nila ang nagpalista ang inaasahang mababakunahan nitong Martes. Si Legaspi ang kauna-unahang sumalang sa bakuna nitong Lunes na […]
-
New edgy romantic comedy “Anyone But You” starring Sydney Sweeney and Glen Powell, A Winner at the Global Box Office
Anyone But You, which opened in the United States just before Christmas, opened in several overseas markets over the weekend, including in the United Kingdom and Australia, where the film is primarily set. Anyone But You has earned a total of $33.5 million dollars, with a few markets still lined up for the film’s opening, […]
-
Kooperatiba, lumilikha ng yaman sa pamayanan
NANATILI ang kooperatiba na mabisang paraan upang makaahon sa kahirapan ang mga mahihirap na miyembro. Ito ang mensahe ni Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas, Minister ng Ministry of Cooperatives and Social Enterprise Development ng Archdiocese of Manila o M-C-S-E-D at chairman ng Union of Catholic Church-Based Cooperatives (UCC) sa […]