• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AIKO at MARTIN, nagkaroon ng reunion sa 14th birthday ng kanilang anak na si MARTHENA

NAGULAT ang marami sa biglang pagpanaw ng veteran actor na si Orestes Ojeda sa edad na 65.

 

 

Pancreatic cancer ang naging sakit ng aktor at pumanaw siya noong Martes, 4:13 PM sa isang ospital sa Taguig City.

 

 

Ang anak ni Ojeda na si Lois Nicole Pagalilauan ang nagkumpirma sa nangyari sa aktor. Ayon kay Pagalilauan, isang rare form of cancer sa pancreatic region meron ang kanyang ama.

 

 

“He’s been in and out of the hospital until his situation deteriorated this month.   “Thank you for all the messages of sympathy. It’s all been touching and overwhelming,” sey ni Pagalilauan.

 

 

Sa The Heritage Park in Taguig gagawin ang ang burol ni Ojeda. Naka-schedule naman daw sa araw ng Linggo ang libing nito.

 

 

Pinanganak bilang Luis Pangalilauan si Orestes Ojeda sa Cagayan Valley, Tuguegarao. Ang direktor na si Joey Gosiengfiao ang nakadiskubre kay Orestes sa edad na 17 at una siyang lumabas sa pelikula ni Ariel Ureta na Zoom, Zoom, Superstar in 1973.

 

 

Sunud-sunod ang mga pelikulang ginawa ni Orestes tulad ng Sunugin Ang Samar, Aguila, Isang Gabi Tatlong Babae, Ang Boyfriend Kong Baduy, May Isang Tsuper Ng Taxi, Manila By Night, Broken Marriage, The Graduates at maraming pang iba.

 

 

Noong mauso ang bold movies noong ’80s, na-cast din si Orestes sa mga pelikulang Scorpio Nights, Dingding Lang Ang Pagitan, Inosente, at Angkinin Mo Ako.

 

 

Pinasok naman ni Orestes ang action noong ’90s sa mga pelikulang Maging Sino Ka Man, Shotgun Banjo, Padre Amante Guerrero, Bangis, Kahit Mabuhay Kang Muli at Sige Subukan Mo.

 

 

Naging art enthusiast din si Orestes at naging supportive siya sa maraming upcoming artist sa kanyang art gallery na Art Cube at Art Verite.

 

 

***

 

 

KAHIT na matagal nang hiwalay, good friends pa rin ang dating mag-asawang Aiko Melendez at Martin Jickain.

 

 

Nagkaroon ng reunion ang ex-couple sa 14th birthday ng kanilang anak na si Marthena.

 

 

Kasama rin sa birthday celebration ni Marthena ay ang boyfriend ni Aiko na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun, at ang panganay niya kay Jomari Yllana na si Andre Yllana.

 

 

“Advance happy birthday our baby girl we love you @jickainmarthena from your dad @martinjickain and from us @andreyllana tito @vicegov_jaykhonghun and I,” post ni Aiko sa Instagram.

 

 

Nasabi na noon ni Aiko na sinisigurado niya na magkaibigan sila ng mga nakarelasyon niya noon. Lalo na raw kina Jomari at Martin dahil may mga anak siya sa mga ito.

 

 

Hinahanda na rin ni Aiko ang kanyang sarili para sa book two ng Prima Donnas na early next year na ang lock-in taping. Kelan lang ay nagkaroon na sila ng story conference via Zoom kunsaan nagbabalik ang original cast tulad nina Katrina Halili, Wendell Ramos, Elijah Alejo at ang tatlong Donnas na sina Jilliam Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo.

 

 

Si Gina Alajar pa rin ang magdidirek.

 

 

***

 

 

EXCITING ang paparating na Sabado, July 31, para sa Kapuso viewers na nabitin sa world-class performances ng mga baguhan dahil muling mapapanood sa telebisyon ang weekend talent show na Catch Me Out Philippines.

 

 

Kasama pa rin ang host na si Jose Manalo at ang regular Celebrity Spotter na si Derrick Monasterio, tutukan ang mga inihandang nakakamanghang performances ng amateurs.

 

 

Makikisaya sa hulihan at hulaan ngayong Sabado ang Celebrity Spotters na sina Aiai delas Alas at Mark Bautista, kasama rin ang Celebrity Catchers na sina Ysabel Ortega, Thea Astley, Jamir Zabarte, Miggy Tolentino, at Jeniffer Maravilla.

 

 

‘Wag nang magpahuli sa pagbabalik ng Catch Me Out Philippines ngayong July 31, 7:15 p.m. sa GMA Network.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Pinas walang naitalang COVID-19 surge – OCTA

    ISANG linggo matapos ang  isinagawang 2022 elections , inihayag ng OCTA Research Group na wala pang naitatalang panibagong COVID-19 surge sa bansa.     Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, na bagama’t nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng bilang ng CO­VID-19 cases, ito ay bumaba rin naman. […]

  • Restored version ng ‘T-Bird at Ako’ nina NORA at VILMA, muling mapapanood sa ‘2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival’

    SA selebrasyon ng Pride Month ngayong Hunyo, ihahandog ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival online from June 4 to 30.      May theme ito ng “Sama-Sama, Lahat Rarampa!”, sa taong ito aim ng PelikuLAYA na ma-empower ang members ng LGBTQIA+ community sa pamamagitan ng lineup ng […]

  • Ads December 22, 2022