• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AIKO, kinilig at lumabas talaga ang pagiging ‘faney’ habang ini-interview si MARIAN; wish na makasama sa teleserye kahit kontrabida

SOBRA ngang na-excite ang award-winning actress na si Aiko Melendez at ‘di naitago ang pagkakilig dahil finally ay natuloy na ma-interview ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa kanyang YouTube vlog na ‘AikonTalks’.

 

 

Hindi nga napigilan ni Aiko na mag-blush at lumabas talaga ang pagiging ‘faney’ habang ini-interview si Marian.

 

 

Panimula ni Aiko, “I’m so, so excited of my God, to a point na nagba-blush ako kasi alam naman natin lahat na I’m very, very vocal na sa tanang buhay ko bilang artista, dalawang beses na akong na-starstruck.

 

 

“Isang beses kay Ms. Maricel Soriano, pangalawa dito sa iinterbyuhin ko, oh my God, thank you Ms. Marian Rivera-Dantes.

 

 

Kinamusta ni Aiko si Marian na katatapos lang ng taping para sa drama-anthology show niya sa GMA na Tadhana na kung saan ang asawa niyang si Dingdong Dantes ang nagdi-direk.

 

 

“Naka-adjust na kami kahit paano saka very thankful din ako dahil ‘yung mga trabaho ko, nagagawa ko rito sa bahay.

 

 

“At very thankful din ako na ‘yung asawa ko ‘yung nagdi-direct sa akin, siya yung gumagawa nung mga dapat kong gawin outside,” masayang tugon ni Marian.

 

 

“Siyempre happy din ako na nandito ako sa bahay, kasama ko ‘yung mga anak ko, yung pamilya ko.

 

 

“Pero siyempre may mga sad part pa rin na pinagdadaanan natin ‘to, tapos sila nanay sa Cavite naka-ECQ, hindi makapunta sa bahay. Sabi ko nga, sana matapos na talaga ang pandemya,” sey pa niya.

 

 

Aminado naman si Aiko na talagang pina-follow niya ang mga social media accounts ni Marian at ‘di talaga siya nahihiyang super fan siya kaya kahit paano ay updated siya.

 

 

Kaya naitanong ni Aiko kay Marian, “I’m just curious, a. Like I’ve said, I’ve been very vocal, is there any day na pangit ka? Parang wala kang anggulo na pangit.”

 

 

Tawang-tawa naman si Marian at sumagot ng, “Sandali, ha, tatanungin ko ‘yung asawa ko, ah. Tatanungin natin mamaya, tawagin ko.” 

 

 

Inamin naman ni Aiko pinanood niya ang huling teleserye ni Marian, ito raw ‘yun ng transition na papunta siya ng GMA, at isa sa mga wishes niya ng makausap ang mga boss ng network ay makatrabaho siya.

 

 

Ayon kay Aiko, “Sabi ko, I was willing to be your kontrabida or whatever. I just want to work with you.  Not for anything ha, I’m very vocal about it, you’re one of the few actresses na ang ganda-ganda ng mukha.

 

 

     “Talagang when you act, walang pangit na anggulo, kahit umiiyak, ang ganda mo pa rin. Faney mo talaga ako.”

 

 

May ni-reveal naman si Marian tungkol sa sinabi ni Dingdong kay Aiko.

 

 

“Alam mo Ate, may trivia ako sa ‘yo. Hindi ko ‘to sinasabi kahit kanino. Pero alam mo bang may sinabi ang asawa ko sa akin nu’ng lumipat ka sa GMA.

 

 

     “Nag-post kasi ang GMA ng picture mo, tapos sabi ng asawa ko, ‘Alam mo, nakikita ko sa ‘yo, may mga anggulo si Aiko na kamukha daw kita, lalo na raw sa ilong.”

 

 

Bagay na ikinagulat ni Aiko kaya lalo pa siyang kinilig sa isiniwalat ni Marian at nasabi nito kay Dingdong na sana ay maidirek sila ni Marian sa isang project, at looking forward talaga sila magkasama kapag natapos ang ang pandemya.

 

 

Dahil doon ay marami naman ang nag-comment na sana nga ay pagsamahin ng GMA sina Aiko at Marian sa isang teleserye dahil siguradong kaabang-abang ito at ‘di palalampasin ng loyal Kapuso viewers.

 

 

Marami pang revealation si Marian lalo na tungkol kay Dingdong, kaya lang marami ang nabitin sa interview ni Aiko, hoping sila ng magkaroon ng part 2 at willing naman si Marian na mag-guest uli sa vlog ni Aiko, dahil halatang nag-enjoy siya.

 

 

Sa bandang huli ay nagpasalamat si Marian kay Aiko sa pinakikita nitong pagmamahal sa kanya at maging parte ng kanyang buhay. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Speaker Romualdez: Malasakit ni PBBM sa magsasaka, mamimili nakita sa utos nito sa NFA na bumili ng palay sa mataas na presyo

    ANG UTOS umano ni Pangulong Marcos sa National Food Authority na mamili ng palay sa mataas na presyo ay makatutulong sa mga magsasaka at sa pagpapanatili ng presyo ng bigas, ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.     “This shows the malasakit our President has towards our farmers who have been working very hard for […]

  • Ads December 3, 2022

  • Lord’s Glock Singles Empowerment Seminar