• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AIKO, nagmukhang bata sa laki ng ipinayat at inakalang si MARTHENA sa kanyang post

ANG laki na ng pinayat ni Aiko Melendez, kaya naman isa ‘yun sa napansin ng netizens nang mag-post siya sa IG account na kung saan na-complete na ang kanyang bakuna.

 

 

Caption niya, “2nd vaccine! Thank you Lord and to all the medical frontliners, volunteers. Dra Mariz Pecache for the assistance. Dra Fortun salamat po and to the one who administered my vaccine Nurse Sugar Ferre Salamat  @bemlovesjc love you! Salamat casa milan home owners association thank you. #sinovac.”

 

 

In-address din niya ang bashers na baka mag-react.

 

 

Sabi niya, Bago nyo po ako bash pwede nyo po check IG ko in and out of emergency room ako kasi hypertensive ako, i also submitted my medical certificate from my doctor and the prescribed medicines for my hypertension. Sumunod po ako sa lahat ng requirements. #qcprotektado.”

 

 

Isa nga sa nag-react sa IG post niya si Piolo Pascual, “She’s all grown up na…. Grabe bilis:) Miss you both aiks:) @aikomelendez.”

 

 

Sagot naman ni Aiko, “@piolo_pascual papa P naman ako yan not @jickainmarthena binobola mo ata ako pero kilig ako hahahahaah. i lmiss you papa P. you know how much marthena adores you God bless .”

 

 

Ganun din ang naging reaction ni Nadia Montenegro, “Akala ko si Marthena! Sisss!!.”

 

 

“carbon ba ate ko,” reply naman ni Aiko.

 

 

Marami pang celebrity friends ang nag-react at natuwa sa post na ito ng aktres.

 

 

Opinyon naman ng ilang netizens:

 

 

“i really thought si Marthena rin unang tingin. Kelangan ko p tlga titigan ng maigi just to make sure na si Ms. Aiko yan.”

 

 

“Matuloy na po sana kayo sa Kapuso Network @piolo_pascual , if ever, sana magkaroon kayo ng soap ni @aikomelendez !”

 

 

“So happy Aiko that you are contributing to our herd immunity. God bless you always.”

 

 

“Ang galing ha malaki laki na din ang mabawas nyang timbang.”

 

 

“wow parang neneng lang si Aiko, super slim na nyan.”

 

 

“Ganda ni aiko ng pumayat. Maganda talaga face nya.”

 

 

“Wow Aiko you look fabulous!”

 

 

“Kala ko ako lang nakahalata na she really lost weight. I love it. Looks great on her.”

 

 

“Isa ito sa magaganda dati nung kabataan niya. Pero napansin kong parang may nagbago o binago sa mukha niya at nagiba.”

 

 

“Cant wait to see u again at PRIMADONNAS BOOK II. GO MS. AIKO.”

 

 

***

 

 

HASSLE kung biglang mag-brownout habang nasa kalagitnaan ng trabaho o online learning.

 

 

Kaya’t mahalaga ang magkaroon ng pocket WiFi sa panahon ng emergencies — tulad na lang ng biglaang brownout! May solusyon ang Globe At Home rito para maging handa at patuloy pa rin ang pagtatrabaho o pag-aaral kahit pa may brownout. Ito ang kanilang mga pocket WiFi devices tulad ng MyFi LTE and MyFi LTE-Advanced (LTE-A).

 

 

 “Napaka-halaga ng pagiging online ngayon lalo na para sa mga naka-learn o work-from-home. Handog na’min ang Globe At Home Prepaid MyFi LTE and LTE-A para maging informed at reachable pa rin ang mga Pilipino lalo na sa panahon ng power outages at interruptions,” Darius Delgado, Globe Vice President and Head of Broadband Group.

 

 

Ang MyFi LTE ng Globe At Home ay isang personal WiFi device na nakapagbibigay ng LTE speeds up to 42Mbps. Maaasahan ito na tatagal hanggang dalawang araw sa isang charge lamang and posibleng i-recharge kahit gamit ang power bank para mas mahaba ang oras online. Pwedeng-pwede ito para sa mga estudyante na kailangan maging online para sa kanilang modules o di kaya para makipag-usap sa groupmates nila para sa mga projects.

 

 

Para naman sa nangangailangan ng mas malakas na data allocation para sa Zoom meetings o malalaking files para sa trabaho, mayroon ding Globe At Home MyFi LTE-A. Gaya ng MyFi LTE, ito ay rechargeable with 3300mAh na battery at nagbubuga ng internet speed hanggang 100MBps. Ito din ay may screen kung saan nakikita ang WiFi signal strength at battery level sa isang tingin.

 

 

Ang Globe At Home’s MyFi LTE ay kasalukuyang Php 799 (mula Php 999) habang ang MyFi LTE-A ay may presyo na Php 1899. Bukod sa mismong pocket wifi device, may kasama na itong Surf4All99 na may 9GB all-access data hanggang pitong araw.

 

 

Maraming abot-kayang promos tulad ng “At Home” o HomeSurf promos mula HomeSurf99 hanggang HomeSurf999 o kaya naman “On the Go” promo tulad ng Surf4All99, Surf4All 249, o GoPlus99.

 

 

Madali lang din mag load at reload ng sariling devices gamit ang Globe website, GlobeOne o GCAsh apps, Autoload Max o Share-A-Load, maging online banking. Pwede rin bumili ng Globe call cards mula sa suking tindahan mula Php 100 hanggang Php 500.

 

 

Maaaring mag-order ng Globe At Home MyFi LTE at LTE-A mula sa Globe Online Shop, o sa official stores ng Globe sa Lazada at Shopee. Available rin ito sa mga pinakamalapit na Globe Store nationwide.

 

 

Kasama ang Globe At Home’s MyFi LTE and LTE-A, #CarryMoNaLahat — kahit pa brownout!

 

 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.globe.com.ph/prepaid/myfi-lte

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PBBM admin mapapabuti ang kapakanan ng guro; Tiangco

    INIHAYAG ni Navotas Congressman Toby Tiangco na ang pagpapalabas ng mga bagong alituntunin para sa flexible na oras ng pagtuturo sa ilalim ng MATATAG basic education curriculum ay magpapabuti sa kapakanan ng guro at makatutulong na mapalakas ang learning competencies ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.     “I welcome the sustained efforts of […]

  • Huling Comelec presidential, VP debates hindi na itutuloy

    HINDI NA matutuloy ang huling PiliPinas Forum 2022 na inihanda ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa maraming conflicts sa schedule ng mga presidential at vice presidential candidates dulot ng unang postponement ng mga debate na nakatakda sana noong weekend.     Biyernes lang nang sabihin nina presidential at VP candidate Sen. Panfilo Lacson at […]

  • Sobrang nag-benefit ang mga artista: EULA, blessed na na-experience ang first collab ng GMA at ABS-CBN

    KASAMA nga si Eula Valdes sa ensemble cast ng first-ever collaboration ng GMA Network at ABS-CBN Entertainment, ang “Unbreak My Heart” na napapanood na ngayon sa GMA Telebabad , Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV ng 11:25 p.m.       Pinagbibidahan ito nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap […]