• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Air passengers kailangan ng may contact-tracing app

ANG mandatory na contact tracing app na tinatawag na Traze ay kailangan ng gamitin ng mga pasahero na maglalakbay gamit ang mga airports sa bansa.

 

Sinimulan ang contact tracing na Traze noong November 28 kung saan pinagtulungan itong gawin ng Philippine Ports Authority (PPA) at Cosmotech Philippines Inc. Ang Traze ay isang nationwide at unified QR code-based app na mag automate ng contact tracing ng mga ahensiya na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).

 

Ang sector ng aviation ang siyang kasama sa Traze tulad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Manila Interna- tional Airport Authority (MIAA), Civil Aeronautics Board (CAB, Clark International Airport Corp. (CIAC), at Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIA).

 

Ito ay nagkaron ng pilot testing sa apat (4) na airports sa bansa: ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport (CIA), Mactan-Cebu International Airport, at Davao International Airport (DIA).

 

“All departing and arriving passengers at these airports would be required to download the app on their mobile phones and register an account before proceeding to the airport. This system will be followed in other airports soon,” wika ng DOTr.

 

Ayon sa DOTr, ang Traze ay makakatulong upang mapabilis ang mabagal na manual contact tracing process at magagawa ito ng sandali lamang.

 

“Passengers will scan the QR codes at designated areas of the airport. Once a COVID-19 positive patient is identified, an in-app notification will be sent to individuals who may have had contact with the patient so they may immediately observe-self isolation procedure and other health and sanitation precautionary measures,” dagdag ng DOTr.

 

Samantalang ang mga pasahero na walang mobile phones o ibang mobile gadget ay puwedeng pumunta sa Malasakit Helpdesk sa airport upang humingi ng registration assistance para humingi ng unique QR code. Ang QR code ay maaring gamitin sa lahat ng DOTr office sa buong bansa.

 

Sa kabilang dako naman, isang bill ang inihain sa House of Representa- tives para sa pagtatayo ng contact tracing centers ng COVID-19 hotspots.

 

Ito ay ang House Bill No. 7538 na inihain ni Quezon City 2 nd District Rep. Precious Hipolito Castelo kung saan nagnanais na magtayo ng efficient at systematic na tracing at monitoring center ng COVID-19 ng mga taong positibo sa virus at ng mga taong nakasalimuha nila.

 

“If contact tracing efforts will be done quickly and effectively, the impact of the pandemic will dramatically decrease,” ayon kay Castelo. (LASACMAR)

Other News
  • Lady Gaga stuns as Harley Quinn in “Joker: Folie à Deux,” praised by Joaquin Phoenix as without ego and fiercely determined

    THE wait is finally over for fans of the DC Universe as “Joker: Folie à Deux“ gets ready to hit the big screen! Lady Gaga steps into the iconic shoes of Harley Quinn, delivering a mesmerizing performance alongside Joaquin Phoenix, who reprises his role as Arthur Fleck, aka Joker, in this sequel to the Academy […]

  • Pagbabalik ni Anthony Davis, ‘timing’ daw sa ‘final push’ sa Lakers campaign

    Tiniyak ng big man ng Los Angeles Lakers na si Anthony Davis na 100 percent na siyang handa sa kanyang pagbabalik matapos ang dalawang buwan na pagpapagaling sa kanyang injury.     Inaasahang sasabak na si Davis bukas sa pagharap nila laban sa Dallas Mavericks.     Kung maaalala mula pa noong Pebrero 14 ay […]

  • Binalikan ang luxury store at nag-ala-Julia Roberts: SHARON, ‘di pinapasok sa Hermes kaya napabili tuloy sa Louis Vuitton

    SA latest YouTube vlog ni Megastar Sharon Cuneta na “MEGA Travels-Seoul Part 3,” naging usap-usapan ng mga netizens sa social media ang bahaging hindi pinapasok sa isang luxury shop sa Seoul, South Korea.   Nangyari nga ito habang nagbabakasyon si Sharon kasama ang mga anak na sina Frankie at Miel at asawang si Kiko Pangilinan, […]