• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Airport security chief pinagbibitiw sa pwesto ni Speaker Romualdez

HINILING ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbibitiw sa pwesto ni retired PNP General Mao Aplasca na siyang hepe ng Office of Transport Security.

 

 

“I am advising the OTS chief: submit your courtesy resignation before the House of Representatives tackle the budget of your office. Mag-resign ka na. Kung hindi ka magsa-submit ng resignation, ako mismo ang magba-block ng approval ng budget ng OTS,” pahayag ni Speaker Romualdez.

 

 

Ayon kay Romualdez, bigo si Aplasca na mahinto ang sunod-sunod na anomalya na kinasasankutan ng ilang security personnel sa Ninoy Aquino International Airport.

 

 

Babala ni Romualdez, hindi ipapasa ng Kamara ang budget ng tanggapan ni Aplasca hanggat hindi siya nagbibitiw sa pwesto.

 

 

Sabi ni Romualdez, makabubuting mag-resign na si Aplasca o kung hindi, ang House Speaker mismo ang haharang para hindi maaprubahan ang budget ng OTS. (Ara Romero)

Other News
  • Olympics ‘di pa rin matutuloy sa 2021

    Tokyo – Nangangamba ang organizers ng 2021 Tokyo Olympics na maaaring hindi pa rin matuloy ang summer games kung wala pang made-develop na vaccine o gamot sa COVID-19.   Ayon kay Tokyo Olympics organizing committee president Yoshiro Mori, krusyal para sa na-reschedule na summer games ang vaccine o gamot upang matuloy ang event.   “It […]

  • 4 drug suspects timbog sa P210K shabu sa Valenzuela

    APAT na hinihinalang drug personalities ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkakahiwalay na anti-drug operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni […]

  • Gobyerno, ginagawa ang lahat ng makakaya para para matamo ang herd immunity mula sa Covid-19

    GINAGAWA ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para makamit ang nilalayon nitong herd immunity mula sa COVID-19 upang magkaroon ng mas maayos na Pasko ang mga mamamayang Filipino ngayong taon.   “Our declaration is we will have a better Christmas this year. That needs to be our target, that we will have a better […]