Akbayan: ICC challenge ni Duterte, isang bluff
- Published on November 15, 2024
- by @peoplesbalita
TINAWAG ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña na bluff ang hamon ni dating Presidente Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Gayunman, nangako naman ang Akbayan na handa silang dalhin sa ICC si Duterte kasunod sa pahayag ng dating pangulo sa pagdinig ng House Quad Committee.
Nang tanungin na kooperasyon sa imbestigasyon ng ICC, hinikayat ni Duterte ang ICC na umpisahan ang imbestigasyon “as soon as tomorrow.” Nabanggit nito na dapat pondohan ng Quad Committee ang kanyang biyahe sa ICC.
Bilang tugon, sinabi ni Cendaña na isang bluff umano ang pahayag ni Duterte at siniguro na kakaharap ito sa ICC.
“Let’s go, Mr. Duterte, to the ICC. We are prepared to help bring you there and hold you accountable for the thousands of innocent lives lost under your bloody drug war,” ani Cendaña. (Vina de Guzman)
-
Tumalon sa dagat, leader ng “Legaspi Drug Group” nalunod sa Navotas
DEDBOL ang isa umanong leader ng “Legaspi Drug Group” matapos malunod nang tumalon sa dagat para makaiwas sa pag-aresto ng mga pulis na nagsilbi ng warrant of arrest laban sa kanya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang nasawing akusado na si Rodolfo Legaspi alyas […]
-
Ads April 19, 2022
-
MAINE, honored na maging instrumento para i-promote ang livelihood opportunity na hatid ng ‘51Talk’; malaking tulong sa panahon ng pandemya
IN-ANNOUNCE sa mid-year press conference ng online English education platform 51Talk na nagsi-celebrate ng 10th year anniversary, na ang actress/host na si Maine Mendoza ang kanilang newest brand ambassador. Ibinahagi ng award-winning comedienne na malaki itong karangalan at very rewarding experience na i-represent ang 51Talk. “I said yes to 51Talk because […]