• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alamin sa mga organizers ng Maginhawa community pantry kung saan napunta ang kanilang dinonate na pera

KAILANGANG alamin ng mga taong nagbibigay ng pera bilang donasyon sa mga organizers ng Manginhawa community pantry kung saan napupunta ang kanilang donasyon lalo pa’t may ulat na may mga organizers ang di umano’y nau-ugnay sa communist rebel group.

 

Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Lorraine Marie Badoy na labis na nakababahala ang fundraising account na itinayo ng “AP Non” sa PayPal.

 

Inalerto rin nito ang publiko sa mga pinaghihinalaang rebel connection.

 

Tinukoy ni Badoy ang Ana Patricia Non, o AP Non sa social media, na siyang utak ng community pantry na sinimulan sa Maginhawa, Quezon City kung saan ay maaaring mag-donate ang kahit na sinuman at makakuha ng pagkain.

 

Ang mutual aid project ay malawakang pinuri para sa pagpo-promote ng kabutihan sa panahon ng pandemya at nagsilbing inspirasyon sa iba na maglagay din ng kahalintulad na food banks sa kanilang kaptibahay.

 

Sa Facebook post, sinabi ni Badoy na pinamahalaan ni Non ang pangangalap ng kalahating milyong piso simula nang humingi ito ng financial support sa online ilang araw na ang nakalilipas.

 

Ang weblink at screenshot ng fundraising project ay ibinahagi ni Badoy sa online.

 

Ang nasabing account, na humihingi ng tulong para “provide support for organizers, volunteers, and advocates of community pantries in the Philippines in response to the economic crisis” na dulot ng pandemya ay nakalikom ng mahigit sa $12,000 mula sa mahigit na 200 contributors.

 

Ang fundraising drive, na pinasimulan ng isang nagngangalang Pauline Non ay nag-expire na sa loob ng 26 da na araw.

 

“Why dollars, I wonder? Dollars for international donors, of course. You know those poor innocent white dudes who have no idea they’re being taken for a ride,” Badoy said in a Facebook post on Wednesday, April 21.

 

“To those good hearts who have donated their dollars to AP Non, please ask for a clear accounting. Ask where your money went. Make sure it goes to where you want it to go,” ayon kay Badoy. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 3 PATAY SA PANANAKSAK SA LOOB NG SIMBAHAN SA FRANCE

    PATAY ang tatlong katao matapos na sila aypagsasaksakin sa Notre Dame Basillica sa Nice, France.   Isa sa mga biktima na babae ay ginilitan ng leeg habang ang dalawa na binubuo ng babae at lalaki ay napatay matapos tadtarin ng saksak ng suspek.   Nabaril naman ng kapulisan ang suspek at kanila ng nasa kustodiya. […]

  • TOURIST VISA EXTENTION APPLICATION, BUMAGSAK NG 45 PORSIYENTO

    BUMAGSAK ng halos 45 porsiyento  ang bilang ng mga naga-apply para sa tourist visa extension noong taon 2020.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente  na sa datos ng Tourist Visa Section (TVS) umabot lamang sa 240,276 ang bilang ng mga aplikante para sa applications for extension of stay ng mga turista na nangangahulugan […]

  • VICE GANDA, na-excite pa sa kissing scene ni ION sa sexy-comedy film

    ALAM na alam daw ni Vice Ganda ang magiging kissing scene sa pagitan ng boyfriend na si Ion Perez at sa pinu-push ng VIVA na bagong artist na si Sunshine Grimary.     Nabasa raw niya ang script at hindi na raw kailangan pang magpaalam si Ion sa kanya.          “Siyempre alam ko […]