ALBERT, balik-GMA na ngayon na dati niyang tahanan after ten years
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
AFTER ten years, bumabalik ngayon si Albert Martinez sa dati niyang tahanan, ang GMA Network.
Isang GMA Afternoon Prime series ang pagbibidahan niya, titled Las Hermanas, at last Tuesday, February 23, ginanap na ang zoom meeting niya with the creative and production teams ng series, headed by Creative Director Aloy Adlawan.
Na-quote nga si Albert na, “I am excited about this project, and I want to tape it the soonest.”
Sa ngayon, si Albert pa lamang ang ni-reveal ng production na gaganap sa serye, at tiyak na ipagtatanong na kung sino ang bubuo sa cast. May isa pang gagawing project si Albert sa GMA, pero, inihahanda pa lamang ito, kaya mauuna ang Las Hermanas.
Meanwhile, naging masaya pala ang Christmas ni Albert dahil kasama niya sa bahay niya ang kanyang Papang at isa-isa ring dumating ang mga anak niya.
Si Alissa ay nagsilang ng panganay niya at doon tumuloy kay Albert, nagsilang din si Miki, wife ni Alfonso at dumiretso rin from the hospital kay Albert.
Para raw naging nursery ang bahay ni Albert na madaling ipina-renovate ang mga rooms para sa mga apo. Sinurpresa din sila ni Alyanna na dumating from Los Angeles, with her husband ang child.
Kaya masayang-masaya si Albert na hindi lamang mga anak niya kundi kasama rin ang tatlo niyang apo during the holidays. Na-miss nila si Liezl na pangarap pa naman noong nabubuhay pa, na magkaroon na sila ng apo ni Albert.
Ngayong nakaalis na ang mga anak at apo ni Albert, magiging busy naman siya sa pagsisimula ng lock-in taping nila ng Las Hermanas.
Welcome back to GMA, Albert!
***
ISANG commendation ang ibinigay ni GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon sa buong cast, creative team at production crew of the internationally-acclaimed primetime series Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).
“It is my great pleasure to commend the creative/technical and production teams and artists of “Descendants of the Sun,” the first and only Philippine television production to have earned the distinction of “Most Popular Foreign Drama of the Year” at the Seoul International Drama Awards and the first GMA program to meet the international standards of the streaming platform Netflix.
“The GMA Management recognizes your hard work and dedication, overcoming challenges and difficulties set before you especially during this time of the pandemic, to ensure that the production of “Descendants of the Sun” was consistently world-class and something that we could all be proud of.
“On behalf of GMA Network, Inc. please accept my heartfelt congratulations to all of you for a job well-done. Your passion for excellence truly reflects our commitment to provide only the best entertainment programs for our audience worldwide and across media platforms.”
***
ABA, very busy ngayon si Director Mark Reyes.
Bago gawin ang lock-in taping niya ng Voltes V: Legacy, tumanggap pa siya ng isang episode ng mini-series ng I Can See You na season 2 offering na ng GMA Network pagkatapos ng unang four-mini series na ngayon ay ipinalalabas na sa Netflix.
First episode ng mini-series ay “On My Way To You” na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz, kasama si Malou de Guzman. (NORA CALDERON)
-
‘Perfect ambassador’ para sa Earth Hour: PABLO, mangunguna sa annual switch-off event sa Maynila
IBA talaga ang lakas ng impact ng SB19, buong grupo man o solohan. Ang leader kasi ng grupo na si Pablo ay napili para sa Earth Hour celebration ngayong taon bilang ng World Wide Fund for Nature Philippines (WWF-PH) bilang pinakabagong music ambassador para sa Earth Hour Philippines 2024. Si Pablo […]
-
RABIYA, nag-deny na break na sila ng longtime boyfriend na si NEIL, inaming crush niya si KOBE
NAGSIMULA na ang lock-in taping nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith ng kanilang first full-length teleserye sa GMA Network last May 18, ang The World Between Us. May mga behind-the-scene photos nina Alden at Jasmine na lumalabas posted ng photographer ng show at may mga tanong ang mga netizens, ano raw ba […]
-
Top 2 at 3 Most Wanted Person sa Navotas, nalambat
BINITBIT sa loob ng selda ang dalawang lalaki na listed bilang top 2 at 3 most wanted sa Navotas City matapos matimbog sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya, kamakalawa sa naturang lungsod. Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong ala-1:05 ng hapon nang maaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Navotas […]